Hi, how can we help?

Payments

ShopeePay
SPayLater
SLoan
Finance Safety
Shopee Coins
Payment options

When and How do I repay my SLoan bills?

For the English version, click here.



Nirerekomenda namin na magbayad gamit ang ShopeePay upang agad na mag-reflect ang inyong payment. Upang maiwasan ang late fees charge, tiyaking mabayaran ang inyong SLoan bills at least 2 days bago ang due date.


⚠️Tandaan

Maaaring bayaran ang anumang outstanding SLoan bill in advance. Gayunman, maga-apply pa rin ang regular interest rates nito

Kung ikaw ay hindi makakapagbayad on or before sa due date, ang loan installment ay magiging overdue. Mabuting tandaan ang mga sumusunod sa sandaling ang iyong loan installment ay mag-overdue:

  1. May monthly late charge of 5% ang ida-dagdag sa overdue amount.
  2. Hindi ka makapag-wi-withdraw ng bagong loan mula sa SLoan.
  3. Hindi ka makapagbu-bukas ng account sa iba pang credit products, gaya ng SPayLater.

Kung mananatiling hindi bayad ang iyong loan installment, ang paggamit ng benefits gaya ng Coins & Vouchers ay madi-disable. Ang paggamit ng iyong Shopee account ay mare-restrict din.

 

Pagbabayad ng iyong SLoan

Pumunta sa Me tab o sa Finance Circle Page > SLoan > Pay Now > pumili ng Payment Option > Pay.

 


⚠️Tandaan

Ang SLoan Bill arrangements gaya ng Payment Extension, Partial Payments, Changing of due dates, Auto-debit, at Payment Plans ay kasalukuyang hindi available.

• Ang pagbabayad ay maaaring gawin gamit ang iyong ShopeePay wallet (para sa real-time posting), Payment Center/e-Wallet, Online Payment channels, o kaya’y Over-the-Counter (24 - 48 Business hours posting). (Ang Credit Card Payment ay kasalukuyang hindi available)

• Kung ikaw ay magbabayad sa pamamagitan ng payment center, itago ang repayment slip/receipt hanggang sa ang transaction ay ma-confirm sa iyong SLoan page.

Kung ang repayment ay hindi pa lumalabas sa iyong SLoan page sa loob ng 24-48 business hours, o kung sobra ang iyong naibayad, kontakin lamang ang Shopee Customer Service at mag-provide ng katibayan ng iyong pagbayad.

Alamin ang iba pang Financial Products at SLoan.



Was this article helpful?
Yes
No