For the English version of this article, click here.
Kung nagkaka-problema ka sa Shopee App o Website, subukan ang mga quick fixes na nasa ibaba. Karamihan ng problema ay naaayos ng mga sumusunod na hakbang. Kung ang problema ay di pa rin nawala, sundin lamang ang susunod na troubleshooting tips at i-check pagkatapos ng bawat step kung ito ay naresolba na.
Para sa Mobile App
1. I-update at i-verify ang iyong account: Tiyakin na updated ang Shopee App at naka-log in ito sa tamang account.
2. I-check ang iyong connection: Kung naka-mobile data, i-switch ito sa WiFi. Kung naka-WiFi naman, subukang lumipat sa mobile data o ibang available na network.
3. I-refresh ang app: I-close at reopen ang Shopee App. Kung tuloy pa rin ang issue, i-force close ang app upang ma-refresh sa background.
4. I-clear ang app data: I-clear ang Shopee App cache upang matanggal ang temporary files. Pagkatapos, mag-log out at log in ulit upang ma-refresh ang account.
5. Mag-restart o i-reinstall: I-restart ang device. Kung may problema pa rin, i-uninstall at reinstall ang Shopee App upang makuha ang latest version.
6. I-update ang OS ng iyong device: I-update ang device software upang maging mas maayos at ligtas ang takbo nito.
7. Gumamit ng ibang device: Kung hindi pa rin maresolba, subukan gumamit ng ibang device (tablet o mobile phone)
Para sa Web browser
1. I-verify ang iyong account: Siguraduhing naka-log in ka sa tamang Shopee account.
2. I-check ang iyong connection: I-restart ang modem o ang router. Kung may issue pa rin, lumipat sa ibang source tulad ng WiFi o mobile hotspot.
3. Mag-refresh ng browser session: I-reopen ang tab o window, o subukang gumamit ng Incognito/Private Mode upang maiwasan ang issues galing sa extensions o cache.
4.I-clear ang browser data: I-clear ang browser cache at cookies, pagkatapos ay mag-log out at log in ulit upang ma-refresh ang iyong session.
5. Gumamit ng ibang browser: Kung tuloy pa rin ang problema, gumamit ng ibang supported browser tulad ng Chrome, Firefox, Safari, o Edge.
6. I-update ang browser: I-update ang browser sa latest version para sa mas stable at magandang performance.
7. Mag-restart o magpalit ng device: I-restart ang device, o kung hindi pa rin gumana, i-access ang Shopee gamit ang ibang device (desktop, laptop, tablet, o mobile).
Kung hindi maka-checkout: Siguraduhin lahat ng fields (products, payment type, vouchers, shipping) ay napunan na. Kung may issue pa rin, subukan ang ibang produkto/item.
Kung may problema pa rin: Mag-screenshot o video recording ng error. I-note ang device name, Shopee App version, at software version bago makipag-ugnayan sa amin.