For the English version of this article, click here.
Upang masulit ang pinakabagong mga feature ng Shopee App at mamili ng safely, mahalagang siguraduhin na ang iyong app ay palaging updated sa pinakabagong version.
Kung ikaw ay gumagamit ng lumang version ng Shopee App, maaari kang makaranas ng bugs o problema sa pagpunta sa bawat pages, dahil ang iba sa mga lumang feature ay maaaring hindi na gumagana.
Dagdag pa rito, ang mga lumang versions ng Shopee App ay maaaring mas mabagal at delikado sa mga security risks. I-update ang iyong Shopee App upang matiyak na ikaw ay bumibili sa isang secure platform, kung saan ang iyong mga personal information ay protektado.
⚠️Tandaan Para sa mas ligtas na shopping experience and patuloy na magamit ang Shopee App, tiyakin ang mga sumusunod: • Ang device Operating System ay updated sa mga sumusunod na versions: • Android 5.0 and above • iOS 11.0 and above • Ang iyong Shopee mobile application ay updated sa version 2.73 and above. |
Para ma-check ang version ng iyong app, pumunta sa Me tab >Settings o Gear Icon > About.