For the English version of this article, click here.
Ang New User Exclusives ng Shopee ay tumutukoy sa mga benepisyong ibinibigay sa bagong pasok sa Shopee. Kabilang sa mga benefits na ito ay exclusive free shipping, mga Shopee voucher at brand discount voucher, at mga deals sa halagang ₱1.
Makikita ang New User benefits sa mga sumusunod:
• Pumunta sa NEW USER EXCLUSIVE na makikita sa homepage.
• Mag-scroll sa vouchers section ng New User Zone para makita ang mga free shipping at discount voucher. Maaari ding pindutin ang See Brand Vouchers para makita lahat ng available offers.
• Mag-scroll sa P1SO Deals section para makita ang mga item na maaaring mabili sa halagang ₱1.
Lubusin ang benefit ng New User Exclusives ng Shopee
• Kapag nahanap mo na ang nais mong bilhin, maaari kang mag-checkout ng isang item mula sa ₱1SO Deals at ipares ito sa New User Exclusive Free Shipping voucher.
Terms
Tandaan na ang delivery ng ₱1SO Deals ay maaaring may shipping fee, depende sa ongoing shipping promotions.
Tanging ang mga wala pang transaction sa Shopee ang makakagamit ng mga benefits. Kabilang dito ang pagbili ng physical items o digital products.
Maaaring gamitin ang mga voucher sa mga produkto na may new user prices, basta pasok ito sa mga condition. Makikita ang terms sa T&C link sa bawat voucher.
Kung hindi mo magamit ang Voucher, kontakin lamang ang Shopee Customer Service.