Hi, how can we help?

Other FAQs related to Returns via Drop Off in Return & Refund (TAG)

For the English version of this article, click here.



Q: Kailangan ko bang bayaran ang return shipping fee?

A: Walang shipping fee na kailangang bayaran para sa Drop Off gamit ang SPX Express (SPX), J&T Express (J&T), o Flash Express (FEX). Para naman sa Self Arrange gamit ang ibang couriers, aabonohan mo muna ang shipping fee at maaari itong ma-refund pagkatapos ma-proseso ang return.

 

Q: Kailangan ko bang bayaran ang extra packaging materials o printed return label na ibinibigay ng  SPX, J&T, o FEX staff?

A: Libre ang pouches at ang pag-print ng return label, pero ang buyer ang sasagot sa anumang extra packaging tulad ng mga kahon.

 

Q: Maaari bang gamitin ang Drop Off para ibalik ang bulky item?

A: Sa kasalukuyan, pinapayagan lamang ang mga return para sa mga item na hindi lalampas sa 50 kg o hindi mas malaki kaysa 150cm para sa kabuuang return order.

 

Q: Kailangan ko bang magbigay ng sarili kong packaging materials?

A: Inirerekomenda naming gamitin ang orihinal na packaging ng item. Dalhin ang orihinal na kahon para sa mga high-value at fragile items o mga item na nasa kahon.

 

Q: Ano ang kailangan kong ipakita sa Drop Off staff ng SPX, J&T, o FEX kapag ibinabalik ko ang aking parcel?

A: Ipakita lamang ang tracking number na makikita sa Return/Refund Details page. Maaari ring i-scan ng Drop Off partners ang barcode sa return instructions para ma-identify ang iyong parcel.

 

Q: Kailangan ko bang i-upload ang aking waybill?

A: Hindi, awtomatikong naga-update ang return status pagkatapos ng drop-off. Kung walang update sa loob ng 24 oras, makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service via chat.

 

Q: Pwede ko bang i-cancel ang return request ko kung ang parcel ko ay on the way na sa Seller?  

A: Hindi. Pwede mo lang i-cancel ang return request kung ang parcel ay nasa iyo pa.



Alamin ang iba pang paraan para i-return ang order, mag-request ng return at refund, at makuha ang iyong bayad para sa refund.

Was this article helpful?
Yes
No