For the English version of this article, click here.
⚠️Tandaan Simula 14 July 2025, ang SPX Returns ang bahala sa pag-pack at pag-attach ng airway bill (AWB). Magpo-provide si SPX ng lahat ng packaging materials tulad ng pouches, boxes, bubble wrap, cling wrap, at printed AWBs. Alamin ang tungkol dito. |
Maaari mo nang i-return ang order mo for free at i-track ito sa app. Maaaring piliin ang Drop Off para i-return ang orders mo gamit ang SPX Express (SPX), J&T Express (J&T), o Flash Express (FEX).
Kapag nagre-request ng Return/Refund, sa ilalim ng Return Method, piliin ang Drop Off > piliin ang J&T Express o Flash Express > Confirm.
⚠️Tandaan · Maaaring mag-drop off ng return parcels ang buyers sa mga branch na naka-indicate lang sa branch locator. Hindi lahat ng branches ng partner couriers ay tumatanggap ng Return/Refund parcels. · Itabi ang original packaging ng parcels na gusto mong i-return. · Ang J&T at FEX branches ay nagbibigay lang ng libreng pouches at packaging tapes sa branch. · Para sa mga high-value, fragile, o items na naka-box packaging, siguraduhing isama ang original box packaging. · I-drop off ang return parcel sa loob ng 5 calendar days pagkatapos ma-approve ng Shopee ang return request. Kung hindi, ma-ca-cancel ang return request at ang bayad ay mapupunta sa seller. |
I-repack ang iyong mga items para sa pagbabalik at pumunta sa pinakamalapit na J&T, or FEX branch. Hindi mo na kailangan mag-print ng kahit ano. Ipakita lamang ang tracking number na nasa Return/Refund Details page.
Maaari mong tingnan ang pinakamalapit na Drop Off branch sa iyong lugar sa pamamagitan ng pagpili sa Find Branch Locations. Ang mga ipapakitang branch ay batay sa delivery address ng iyong order. Maaari mo ring tingnan ang iba pang branch location sa pamamagitan ng pag-type nito sa search box.
Sa branch, ipakita sa counter ang item na ibabalik at ang tracking number na nakasaad sa app. Susuriin ng SPX, J&T, or FEX Drop Off staff ang item na ibabalik. Ipi-print ng staff ang iyong Drop Off Return Label na siyang ididikit sa iyong package. Libre ang pagbabalik ng item (walang kailangan bayaran na shipping fee).
Maaari mong i-track ang shipping information ng return parcel sa Shopee app. Pakiusap na bigyan ng panahon ang Shopee o ang iyong seller na i-validate ang return parcel. Aabot ng hanggang 11 araw para iproseso ng Shopee ang iyong refund kung ang ibinalik na parcel ay matagumpay na na-verify.
Alamin ang iba pang tungkol sa pag-return ng order, pag-raise ng return and refund request at pagkuha ng refund.