Hi, how can we help?

How to return your order via Self Arrange?

For the English version of this article, click here.



Maaari mong piliin ang Self Arrange option para magpadala ng iyong return parcel gamit ang logistics provider na gusto mo. Sa ganitong option, ang return shipping fee (RSF) ay sasagutin muna ng buyer, at maaaring mai-refund kapag nakumpleto na ang return process.

 

⚠️ Note

• Iwasan na mag-drop off ng iyong order sa SPX Express Drop off point, dahil ito ay para lamang sa mga Shopee Self Collect orders. Ito rin ay para maiwasan na may mawalang returned items. Kung nais mo na mag-drop off ng iyong return order, sa halip ay piliin ang Drop Off via J&T.

• Tiyakin na maipadala ang return order sa loob ng 5 araw.

• Ang binayarang RSF ay maaaring i-manual refund kapag kumpleto na ang return/refund process. Hintayin lamang ang email galing sa Shopee tungkol sa iyong RSF na ire-refund sa iyo sa loob ng 5-7 araw. Kapag hindi mo natanggap ang iyong RSF refund, paki-kontak lamang ang Shopee Customer Service.

• Para sa mga Self-arranged parcels, walang paraan ang Shopee upang ma-track ang shipment. Kaya’t responsibilidad ng Buyer na mag-submit sa Shopee ng mga shipment proofs of return bago ma-consider na officially returned ang item. Maaaring sumangguni sa mga sumusunod na tracking websites para ma-track ang return order gamit ang Tracking Number na binigay ng courier staff:

M Lhuiller

J&T Express

LBC Express

XDE Logistics

2GO

• Para naman sa mga buyers na ipadadala ang return via door-to-door/express delivery couriers (hal: Grab Express, Lalamove, etc) siguraduhin na makipag-usap muna sa seller para sa angkop na shipping time dahil ang ibang sellers ay may limitadong operating hours. Kung magpapadala sa Shopee Warehouse, maaari silang tumanggap hanggang 3pm lamang. Ito ay para matiyak na matatanggap ng seller ang item na iyong ipadadala. Ang mga failed express deliveries ay ipadadala pabalik sa buyers.

Return order via Self-Arrange

Para sa Shopee Mall orders, sa Return/Refund page, pindutin ang Shipping Option > Self Arrange > Confirm > Input Shipping Info > Ship.





Para sa Non-Mall orders, hintayin ang email at in-app notification ng Shopee na accepted na ang iyong return request, pindutin ang Shipping Option > Drop Off > Confirm.


 

⚠️ Reminder

Pakiusap na huwag gamitin ang mga sumusunod na information sa iyong return order:

  1. Order tracking number (during the receiving of the order/ delivery)
  2. Order SN


Sa halip, i-upload ang iyong proof of return shipment para makumpleto ang return process:

  1. Magsama ng litrato ng Request ID na makikita sa itaas na bahagi ng airwaybill (please refer to A)
  2. Litrato ng Parcel na may return label, at proof of shipment, at isulat ang Request ID gamit ang marker (please refer to B)
  3. Ang hindi paglalagay ng iyong Request ID ay maaaring magresulta sa pagkawala ng iyong parcel at cancellation ng iyong refund request.
  4. Responsibilidad ng Buyer na mag-submit sa Shopee ng mga shipment proofs of return bago ma-consider na officially returned ang item.



  1. Ang iyong Request ID ay makikita sa Return/Refund Details page.




Maigi na makipag-coordinate mabuti sa iyong napiling logistics provider para sa return. Maaaring i-submit ang mga sumusunod na supporting evidence proof bilang Proof of Shipment, sakaling magkaroon ng disputes:

  1. Official proof of shipment na may mga impormasyon gaya ng delivery service, receipt number, sender/recipient names, contact number, at shipping address.
  2. Iba pang patunay na nagpapakita ng anumang pagkakasunduan (lalo na kung ang buyer ay gumamit ng non-traceable mailing option).
  3. Mga litrato at/o video na nagpapakita ng isasauling produkto at kung paano ito ibinalot bago ang shipment



Kapag naibigay mo na ang Shipping Info at ang item ay matagumpay na naibalik, ang Shopee o ang seller ay may 3 araw upang tumugon sa iyong return and refund request. Ikaw ay padadalhan ng push notification kung ang iyong request ay approved o kung kinakailangan pa nang mas malalim na imbestigasyon. 

 

⚠️Tandaan

• Ang lahat ng refund, maliban sa Credit Card payments, ay make-credit sa iyong ShopeePay account. Alamin ang tungkol sa kung paano makukuha ang iyong approved refunds at SPayLater refunds.

Para sa mga disputed cases kung saan ang item ay ipadadala via Self Arrange, i-check ang iyong app at tignan kung may updategaling sa Dispute agent. Alamin ang tungkol sa Dispute Resolution at Shopee Resolution Centre.

Sa mga pagkakataon na ang iyong return parcel ay walang malinaw na pagkakakilanlan (Return Label o Request ID), ikaw ay maaari naming kontakin via SMS / phone call upang subukan na makilala ang iyong parcel para maresolba ang iyong return request. Tiyakin lamang na maibigay mo ang mga tamang detalye, kung hindi ay maaari itong magresulta sa cancellation ng iyong return request. 

Alamin ang tungkol sa pag-request ng return and refund and ang mga conditions and serviceable areas para sa Returns via MLhuillier.

Was this article helpful?
Yes
No