Hi, how can we help?

[Return/Refund Negotiation] What can I do when I receive a partial refund proposal from the seller? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Kapag ikaw ay nakatanggap ng partial refund proposal mula sa seller, maaari mong tanggapin, i-negotiate, o i-reject ang proposal sa loob ng 1 araw. 

 

Minsan, ang seller ay mag-aalok ng partial refund negotiation matapos na i-approve ng Shopee ang return/refund request. Kapag tinanggap mo o ng seller ang final partial refund proposal, hindi mo na kinakailangan pang ibalik ang item at matatanggap mo ang partial refund amount na inyong napagkasunduan. 

 

Pagtanggap sa offer

Kung sa tingin mo ay katanggap-tanggap ang partial refund amount na inaalok ng seller, pindutin ang Discuss sa Return/Refund Details page > at piliin ang Accept Proposal. Ang iyong refund ay agad na ipa-process at hindi mo na kailangan pang isauli ang item.

 

Accept-proposal-TAG.gif

 

I-negotiate ang offer

Kung nais mong makipag-negotiate para sa mas mataas na refund amount, maaari kang mag-counter-offer ng nais na halaga, hanggang 3 beses. Sa bawat counter-offer, ang buyer at ang seller ay kailangang mag-respond sa loob ng 1 araw.

 

Para mag-alok ng counter-offer, pindutin ang Discuss sa Return/Refund Details page > piliin ang Counter > ilagay ang nais na amount > Confirm.

 

Counter-proposal-TAG.gif

 

⚠️ Tandaan

• Ang buyers at ang seller ay kailangang mag-respond sa counter refund proposal ng bawat isa, sa loob ng 1 araw.

• Kung hindi ito nagawa ng magkabilang panig, mate-terminate ang negotiation at uusad muli ang return request. 

• Kung ganun, kailangan nang maibalik muna ng buyer ang item sa seller o sa Shopee Warehouse bago ma-process ang refund. Ang return address ay ibibigay sa buyer via email.



Kung wala kayong napagkasunduan ng seller, piliin lamang ang Continue with return > OK > ituloy ang pagsauli ng item sa Shopee upang makuha ang full refund. 

 

Reject-proposal-TAG.gif

 

Hindi naka-tugon sa offer sa takdang oras

Sa pagkakataon na ang buyer o ang seller ay hindi nakatugon sa loob ng 1 araw, ang partial refund negotiation ay tatapusin na. Kung ganun, nararapat nang ibalik ng buyer ang item para sa full refund. 

  • Kung ito ay binili mula sa non-Mall seller, ang item ay dapat na ibalik diretso sa seller.

  • Kung ito ay binili mula sa Mall seller, ang item ay dapat na ibalik sa Shopee warehouse.

 

Ang iyong mga ibinalik na item ay isasailalim sa quality check ng seller o ng Shopee warehouse agent para tiyakin muna na ito ay nasa maayos na kondisyon bago i-process ang refund.

 

Was this article helpful?
Yes
No