For the English version of this article, click here.
Para mag-submit ng claim para sa benefits ng SeaInsure insurance
- Mag-login sa SeaInsure Life eService Portal o sa SeaInsure General eService Portal.
- I-activate ang iyong account gamit ang iyong ID number, mobile number, at i-enter ang one-time-password (OTP), o mag-log in kung mayroon ka nang existing account
- Pindutin ang Claim sa policy na nais i-claim > pindutin ang Claim Submission
- Punan ang claim e-form at mag-upload ng mga hinihinging dokumento (hal. death certificate, police report, at/o hospital discharge summary)
- I-submit ang claim application kapag kumpleto na ang lahat ng hinihinging detalye
- Ang submitted claim status ay maaaring ma-track sa Account Summary page
Kailan ako maaaring mag-claim ng benefits mula sa Insurance Policy?
Maaari kang mag-file ng claim anumang oras basta’t ito ay lagpas na sa waiting period ng cover’s benefit.
- Para sa SeaInsure Personal Accident Products (Personal Accident Cover, Ladies Cover, Kids Cover, Elders Cover): Walang waiting period
- Para sa SeaInsure Health Products:
- Hospital Cash
- Lahat ng uri ng sickness - 14 araw
- COVID-19 conditions - 10 araw
- pre-existing conditions - 365 araw
- Emergency Cover: 3 araw
- Serious Illness Cover: 90 araw