For the English version of this article, click here.
Para sa Cash On Delivery (COD) orders sa SPX Express, maaring magbayad ang mga users gamit ang ShopeePay, GCash, mga bangko, o e-wallets.
⚠️Tandaan Ang feature na ito ay available lamang para sa COD orders sa SPX Express. Hindi pinapayagan ang pagbabago ng paraan ng bayad pagkatapos mag-place ng order. |
Ang Benefits ng Scan To Pay sa Delivery
Walang admin fees
Hindi na kailangang lumabas para mag-withdraw ng pera
Hindi na kailangang hintaying ang rider para sa sukli
Maaaring suriin ang package bago ang bayad
Paano piliin ang Standard Local - Standard Delivery
Sa checkout, piliin ang SPX Express (Standard Local) > Confirm > Pumili ng Cash on Delivery > Confirm.
Kapag na-deliver na ng rider ang iyong order, ipaalam sa kanya na nais mong bayaran ang iyong COD order gamit ang ShopeePay, GCash, mga bangko, o e-wallets. Buksan ang ShopeePay, GCash, o bank app > Piliin ang Scan > I-scan ang QRPh code ng Shopee Xpress rider. Makikita ang COD amount > I-enter ang iyong PIN.
Alamin ang tungkol sa ShopeePay at other Shopee Supported payments. Maaari ka ding mag cash-in ng iyong ShopeePay wallet sa iyong SPX Express rider.