Hi, how can we help?

Other FAQs related to SLoan

For the English version of this article, click here.



Q: Bakit hindi ko makita ang SLoan feature sa aking app?

A: Ang SLoan ay kasalukuyang magagamit lamang ng mga piling user. Upang ma-enjoy ang SLoan features at benefits, tiyakin na ang iyong Shopee App ay naka-update sa pinakabagong version mula sa App Store.

 


Q: Sisingilin ba ako kapag aking ini-activate ang aking SLoan?

A: Hindi, hindi ka sisingilin kapag ini-activate mo ang iyong SLoan. Ang mga Fees ay applicable lamang mga successful disbursement ng SLoan. Alamin ang tungkol sa mga fee kaugnay ng SLoan.



Q: Paano ko idi-deactivate ang aking SLoan? 

A: Kapag matagumpay mong na-activate ang iyong SLoan account, hindi mo na maaalis ang feature na ito sa iyong App. Maaari mong piliin na hindi gamitin ang SLoan feature kapag ito’y na-activate na.



Q: Ano ang dapat kong gawin kung ako’y naka-encounter ng problema sa SLoan?

A: Tiyakin na ang iyong Shopee App ay naka-update sa pinakabagong version mula sa App Store. Kung meron pang mga katanungan o concerns, mangyaring kontakin ang Shopee Customer Service.



Q: Ang akin bang SLoan’s bill ay apektado ng Bayanihan to Recover as One Act?

A: Ang Bayanihan to Recover as One Act ay isang one-time nationwide na 60-araw na palugit na sumasaklaw sa mga loan na na-avail bago ang September 15, 2020, at may due dates na sakop ng petsa mula September 15, 2020 hanggang December 31, 2020. Ang palugit ay hindi ibibigay sa mga bagong loans na na-avail pagkatapos ma-implement ng Batas.


Ang lahat ng SLoan billing ay hindi maaapektuhan ng Bayanihan To Recover as One Act dahil ang mga loan ay nakuha na pagkatapos ng September 15th, 2020. Gayunman, kung magkakaroon ng reimplementation o pagpapalawig ng batas sa hinaharap, ang mga existing bills ay magging eligible para sa grace period.

 

Q: Ano ang dapat kong gawin kung ang aking SLoan account ay naka-freeze?

A: Ang iyong SLoan account ay naka-freeze dahil mayroon kang outstanding bill na hindi pa nababayaran. Upang ma-reactivate ang iyong account, mangyaring bayaran ang iyong outstanding balance. Kapag ang balance ay nabayaran nang buo, ang iyong account ay mare-reactivate sa loob ng 24-48 oras.


Pakitandaan na ang late payments ay maaaring magresulta sa pag-freeze ng iyong SLoan account at pag-restrict ng iyong access sa iba pang mga credit product sa loob ng Shopee, tulad ng iyong SPayLater account. Alamin kung paano bayaran ang iyong SLoan bill.

 

Q: Nakikita ko ang SLoan feature ngunit hindi ko ma-activate o makapag-apply ng  loan.

A: Ang mga sumusunod ay ang mga karaniwang dahilan:

  1. Meron kang natitirang overdue amount sa isa o higit pang credit facilities, tulad ng iyong SPayLate account. Mangyaring bayaran ang iyong outstanding overdue amount upang makapag-withdraw. Pakitandaan na ang mga late payment ay maaaring magresulat sa pag-freeze ng iyong SLoan account at pag-restrict ng access sa ibang credit facilities sa iyong Shopee app, gaya ng iyong SPayLater account.
  2. Ang iyong natitirang credit limit ay mababa na sa minimum loan amount na Php 1,000.
  3. Ang iyong ShopeePay wallet balance ay lalampas sa monthly inflow limit na Php 50,000. Upang makapagpatuloy sa iyong pag-withdraw, maaaring i-verify ang iyong ShopeePay account.
  4. Ang iyong ShopeePay wallet balance ay umaabot na sa maximum daily amount na Php 50,000. Upang makapagpatuloy sa iyong pag-withdraw, maaaring i-verify ang iyong ShopeePay account.

 

Q: Maaari ba akong humiling ng payment extension para sa aking SLoan bill?

A: Hindi ka maaaring bigyan ng payment extension para sa iyong SLoan bill. Pakitandaan na kung hindi makakapagbayad bago o sa mismong due date, ang loan installment ay magiging overdue. Kapag ito ay naging overdue, ang iyong account ay mapi-freeze at pati ang iyong access sa iba pang credit products, gaya ng SPayLater, at mare-restrict.

Alaming ang tungkol sa Financial Products at SLoan.

Was this article helpful?
Yes
No