Hi, how can we help?

How can I repay my SPayLater account through ShopeePay? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ginawa naming simple at convenient para sa'yo ang pagbayad ng SPayLater bill gamit ang ShopeePay—diretso na sa Shopee app!

 

BAGO MAGBAYAD:

  • Siguraduhing may sapat kang laman sa iyong ShopeePay wallet.

  • Kung kulang ang balance, madali ka namang makakapag-Cash In gamit ang iba’t ibang channels na naka-lista dito.

 

 

Para magbayad ng iyong SPayLater gamit ang ShopeePay, pumunta sa iyong SPayLater account > piliin ang bill na gusto mong bayaran > Pay Now > pindutin ang ShopeePay bilang iyong Payment Method > CONFIRM > Pay Now > ilagay ang iyong ShopeePay PIN.

 

 

PAGKATAPOS MAGBAYAD:

  • Kapag successful na ang payment mo, makakatanggap ka ng confirmation message sa app at push notification. Pwede mo ring i-check ang updated repayment status mo sa SPayLater section.

 

⚠️Tandaan

· Kung hindi pa rin naka-post sa SPayLater account mo ang payment, posibleng top-up o cash-in lang ito.

· Ang pagdagdag ng funds sa ShopeePay wallet ay hindi awtomatikong itinuturing na bayad sa SPayLater.

· Para masigurong maayos ang pag-post ng payment: Pumunta sa SPayLater page > piliin ang ShopeePay bilang payment method habang binabayaran ang utang.

 

Pwede mong i-check ang ”How to pay SPayLater bills" para sa iba pang paraan ng pagbabayad ng iyong SPayLater bill.

 

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied