Hi, how can we help?

SPayLater on ShopeePay Offline: Other FAQs (TAG)

For the English version of this article, click here.



Q: Pwede ko bang gamitin ang SPayLater sa lahat ng ShopeePay Scan to Pay merchant? 

A: Kailangan mong i-activate ang iyong SPayLater account sa Shopee app bago mo magamit ang SPayLater. Maaari kang mag-apply ng SPayLater gamit ang Shopee app. 



Q: Maaari ko bang makita ang aking Scan to Pay transaction sa ShopeePay?

A: Oo. Maaari mong makita ang iyong mga transaction na ginamitan ng iyong ShopeePay account at SPayLater account. 

  • Para sa ShopeePay, makikita mo ang iyong transaction sa ilalim ng Last Transactions sa Payment.

  • Para sa SPayLater, pindutin ang Latest Transactions. Ang iyong binili gamit ang Scan to Pay ay naka-tag bilang ShopeePay Order - Offline Payment.          



Q: Ako ay isang SPayLater user, bakit hindi ko makita ang SPayLater bilang option sa Scan to Pay?

A:  Ito ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi available ang SpayLater sa Scan to Pay:

  • This is not yet available for all SPayLater users.

  • Hindi tumatanggap ang merchant ng SPayLater bilang payment option

  • Kung nagamit mo noon ang Scan to Pay bilang pambayad, maaaring mayroong issue sa iyong account. Siguraduhin na ang remaining credit limit ay may sufficient na laman para sa transaction at walang overdue payments.



Q: Ako ay isang SPayLater user, bakit hindi ko makita ang SPayLater bilang option sa Scan to Pay? 

A: Ito ang mga posibleng dahilan kung bakit hindi available ang SpayLater sa Scan to Pay:

  • Hindi tumatanggap ang merchant ng SPayLater bilang payment option

  • Maaaring may issue ang iyong account. Tiyakin na ang iyong natitirang credit limit ay sapat para sa transaksyon at wala kang anumang overdue payments.



Q: Bakit ako hinihingan ng verification code sa pag-check out gamit ang Scan to Pay? 

A: Upang matiyak ang seguridad ng iyong transaksyon, maaaring humingi sa iyo ng additional verification bago makapagbayad. Maaaring kailanganin mong ibigay ang One-Time na PIN na ipinadala sa iyong mobile number at magsagawa ng liveness check o facial verification.



Q: Paano ako magre-refund ng aking Scan to Pay purchase gamit ang SPayLater? 

A: Para sa ShopeePay Merchants, kung ang iyong refund ay naaprubahan ng iyong merchant, ang merchant ay direktang magre-request sa ShopeePay Offline team para sa pag-proseso ng refund. Ang refund ay ma-process sa loob ng 5 working days.



Para naman sa Scan to Pay QR Ph merchants, maaaring kontakin ang Shopee Customer Service para mag-request ng refund.



Was this article helpful?
Yes
No