For the English version of this article, click here.
Kami ay nag-update ng aming system at nagsagawa ng random order verification upang matiyak ang mataas na antas ng security.
Ano ang ibig sabihin ng "Pending"?
Kapag ang iyong SPayLater order ay may Pending status, ito’y nangangahulugan na ang transaction ay sumasailalim sa verification process. Sa naturang status:
Ang halaga ay HINDI pa ibabawas sa iyong SPayLater credit limit.
Kapag ang iyong transaction/order ay aprubado na, dito pa lamang magbabawas sa iyong SPayLater credit limit.
Makatatanggap ka ng order confirmation sa loob ng 24 oras sa sandaling makumpleto na ang verification.
Bakit hindi tinanggap ang aking pending SPayLater transaction/order?
Narito ang mga sumusunod na posibleng dahilan kung bakit hindi tinanggap ang iyong SPayLater transaction/order:
Lagpas na sa Credit Limit
Ang order amount ay mas mataas kaysa sa iyong approved/natitirang SPayLater credit limit.
Facial Verification Error
Maaaring nagkaroon ng problema sa liveness check. Kung nais sumubok muli, tiyaking:
Nakikita nang malinaw ang iyong mukha
Ikaw ay nasa maliwanag na lugar
Sunding mabuti ang mga on-screen instruction
Account Restrictions
Ang iyong account ay maaaring temporarily restricted dahil sa mga kahina-hinalang activity o paglabag sa Terms of Service ng Shopee .
⚠️Tandaan Kung ang iyong SPayLater order ay hindi tinanggap: • Subukang gumamit ng ibang payment option. Maaari kang magbayad gamit ang ibang method para makapagbayad. • Kontakin ang Customer Service. Maaari kang makipag-ugnayan sa aming Customer Service Team para sa karagdagang assistance. |
Alamin kung paano mag-activate ng iyong SPayLater at ibang pang tungkol sa SPayLater.