Hi, how can we help?

Protect Yourself from Online Scams & Fraudulent Activity (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maraming iba’t-ibang klase ng online scams na target ang mga Shopee user gaya mo. Narito ang ilan sa mga karaniwang scam na dapat mong pag-ingatan:

  • Phishing: Uri ng panloloko na naglalayong makuha ang iyong mga sensitive data gaya ng credit card details, bank account information, at password. Kadalasan, hihilingin nito na pindutin mo ang link patungo sa isang suspicious website.

  • SMS Spoofing: Isang phishing message na kunwari ay galing sa isang legitimate sender

  • Contest fraud: Ito ay karaniwang ginagawa gamit ang SMS o iba pang messaging apps. Sasabihan ka nito na magpadala muna ng pera sa isang account kung nais mong makuha ang iyong premyo.

  • Websites o social media pages na nagkukunwaring Shopee: Ito ay mga websites o social media pages na dinisenyohan para maging kamukha ng Shopee. Maaaring hingian ka nito ng personal information, financial information, o passwords.


Mariing binabantayan ng Shopee ang user security at data privacy. Hindi kami hihingi ng iyong personal information.



Narito ang ilang tips para matukoy ang mga scam kumpara sa mga Official Shopee channels at communications:


Ang Shopee Official Channels AY LAGING:

Sasabihan ang mga contest winners sa pamamagitan ng mga Shopee channels kabilang ang push notifications at email mula sa @shopee.com email address.

Tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng Shopee-supported payment channels.

Kokontakin ka gamit lamang ang verified Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok accounts. Laging hanapin ang check mark sa profile page

Ginagamit ang tama at official spelling ng Shopee


Ang mga Shopee Official Channel AY HINDI:

Hihingiin ang iyong PIN, OTPs, o passwords para sa verification. Dagdag pa dito, ang mga Shopee employees ay hindi tatanungin ang OTPs na ipinadala sa iyo ng Shopee, ng iyong bangko, o ng iyong e-wallet

Magpapadala ng email na gamit ang ibang domains (hal. Gmail, Yahoo, o iba pang kahina-hinalang domains)

Hihingi ng bayad para makuha mo ang iyong premyo

Magsasabi na magbayad ka gamit ang isang external link o mag-deposito o magpadala ng pera sa isang bank account o e-wallet

Magpapadala ng kahina-hinala at di-kilalang website para makuha mo ang iyong premyo o para magbayad.



Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili mula sa mga scams?

1. Huwag ipagkalat ang iyong personal information sa kahit kanino, kabilang ang iyong: 

• Passwords

• OTP

• Mobile number

• PIN

2. Mag-ingat sa mga network na mapagkunwari/hindi ligtas

3. Huwag makipag-transaksyon sa mga unofficial Shopee websites o social media pages. 

4. Huwag mag- login gamit ang shared/public devices.

5. I-monitor ang iyong mga transactions sa iyong credit o debit card.

• Makipag-ugnayan sa iyong bangko kung may kahina-hinalang transaksyon



Ano ang gagawin ko kapag nabiktima ang aking account?

Kung sa iyong palagay ay nabiktima ang iyong Shopee account, agad na kontakin ang Shopee Customer Service.



Alamin ang iba pang tungkol sa Customer Protection Guidelines, Safety tips para maiwasang ma-hack o ma-scam, Ano ang Phishing at paano ito matukoy at maiwasan, at ang 11 Privacy Tips to Protect Your Data.
Was this article helpful?
Yes
No