Hi, how can we help?

[Privacy Policy] How does Shopee collect, use, and protect user data? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang Shopee ay naninindigang protektahan ang datos ng mga user nito at sumunod sa lahat ng umiiral na data protection at privacy laws. 


Bukod sa paghingi at pag-proseso namin ng mga datos na ibinahagi mo sa amin para sa mga kaukulang dahilan (gaya ng pag-proseso ng mga transaksyon, at pamamahala ng iyong Shopee account), maaaring ibahagi ng Shopee ang iyong mga personal na datos sa ilang third parties (gaya ng sellers, logistics providers, o sa mga payment services providers) upang maiproseso ang iyong mga order o para sa mga lehitimong business at legal purposes.


Sa paggamit ng Shopee, ipinagpapalagay din na ang mga impormasyong ipinaabot sa iyo (gaya ng personal, confidential, at proprietary information) ay hindi mo dapat gamitin sa labas ng platform para sa ibang dahilan na hindi pinahihintulutan. Ang mga impormasyon na makukuha mula sa platform na ito ay itinuturing na pagmamay-ari ng Shopee at ang hindi awtorisadong pamamahagi o pagkopya nito ay may kaukulang parusa sa ilalim ng mga umiiral na batas at regulasyon.


Gaya ng nabanggit sa Privacy Policy, ang iyong personal data at iba pang impormasyon ay maaaring ipadala, itago, o iproseso sa labas ng bansa. Kaakibat nito, isinasagawa ng Shopee ang lahat ng kinakailangang pag-iingat at teknolohiya upang protektahan ang iyong mga datos. Kadalasan, ang iyong personal data ay ipo-proseso sa Singapore, kung saan naroon ang aming mga servers at central database. Ipadadala lamang ng Shopee ang iyong mga datos sa ibang bansa alinsunod sa mga umiiral na privacy laws.


⚠️Tandaan

• Para sa ibang detalye tungkol sa mga klase ng mga hinihinging datos, at kung paano ito ginagamit at ibinabahagi sa ibang partido, sumangguni sa aming Privacy Policy.

• Habang ang teknolohiya, mga batas, at ang ating negosyo ay nagbabago, maaaring i-update namin ang aming Privacy Policy sa ilang pagkakataon. Alinsunod dito, inilalaan namin ang aming 


Sa pagbabahagi mo ng iyong personal na datos sa amin, ikaw ay may karapatan (napapailalim sa naaangkop na batas) upang:

  • Alamin kung anong datos ang mayroon kami tungkol sa iyo

  • Humiling ng pagbago o pag-update ng iyong mga datos

  • Hilingin na burahin ang iyong mga personal na datos


Mangyaring sumangguni sa aming Privacy Policy para sa iba pang detalye. Kung di mo nais na hingin namin ang iyong personal data, maaari kang tumanggi anumang oras sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa aming Data Protection Officer sa dpo.ph@shopee.com o tumawag sa 8988-6088. Tandaan na sa pagbawi ng iyong permiso na kami ay makahingi, magamit, o maiproseso ang iyong personal data ay maaaring maapektuhan ang iyong paggamit ng mga serbisyo ng Shopee.
Was this article helpful?
Yes
No