Hi, how can we help?

[Order Tracking] What should I do if I have not received my order after the Estimated Delivery Date? (TAG)

For the English version of this article, click here.


 

Kung hindi mo pa natatanggap ang iyong order matapos ang Estimated Delivery Date, maaari kang:


1. Mag-request ng refund 

Pumunta sa To Receive na nasa My Purchases na makikita sa Me tab > Pindutin ang Return/Refund ng iyong order > Piliin ang item at kung ilang ang hindi natanggap > Next > Piliin ang Did Not Receive Some/All of the Items > Piliin ang Parcel not delivered > Next > i-check ang proof of delivery. Kung ang proof of delivery ay hindi pamilyar sa iyo, pindutin ang Continue with Request > I-check o i-edit ang Contact Email > Submit.


 


2. Kontakin ang aming logistics partner 

Kapag nakatanggap ka ng SMS, kontakin ang rider gamit ang number na kanyang pinang-text. 


Kung ang rider ay hindi sumasagot o wala kang natanggap na SMS/tawag mula sa courier, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa courier at ibigay ang Order SN at Tracking Number upang malaman ang tungkol sa status ng order.


⚠️ Tandaan

• Hindi lahat ng rider ay nagpapadala ng SMS/tawag bago ihatid ang order. Kung hindi mo inaasahan ang anumang delivery, iwasang tumanggap ng mga order na wala sa iyong Delivery Status. Alamin ang tungkol sa pag-track ng iyong mga order.

• Kapag naipadala na ang isang order, hindi na namin mapo-proseso ang cancellation. Kung ang order ay hindi pa rin naihatid matapos ang Estimated Delivery Date (EDD), maaari ka nang mag-request ng Return/Refund.

Para sa mga order na ipinadala gamit ang non-Shopee Supported Logistics, maaari kang direktang makipag-ugnayan sa seller. Kung hindi sumasagot ang seller, maaari kang mag-request ng refund bago matapos ang Shopee Returns Window.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied