For the English version of this article, click here.
Ano ang Phishing?
Ang phishing ay isang uri ng cybercrime at nanloloko upang makuha ang access sa iyong mga sensitibong datos gaya ng credit card details, bank account information, at password gamit ang iba’t-ibang electronic communication.
Saan nangyayari ang mga phishing scams at anu-ano ang mga klase nito?
Sa pamamagitan ng mga electronic communication gaya ng email, text messages, fake websites, social media, at maging sa mga tawag. Ang mga phisher ay gagawin ang lahat upang magaya ang hitsura ng isang legitimate website.
Email Phishing ang pinaka-karaniwang klase ng phishing. Nagkukunwari ito bilang isang legitimate organization o indibidwal at nagpapadala ng mga email sa iba’t-ibang tao upang linlangin ito na pindutin ng isang link na siyang kukuha ng iyong mga sensitive information.
Bakit tayo nabibiktima ng mga Phishing scam?
Ang mga phishers ay gumagamit ng mga paraan na kayang i-manipula kung paano tayo mag-isip. Maaari silang magpadala ng email na nagpapakilala bilang isang sikat na banking firm at hihingiin ang iyong mga personal information.
Halimbawang sitwasyon: Ang user ay nanalo ng isang iPhone/free voucher mula sa isang promo.
Narito ang mga paraan upang matukoy ang isang Phishing Method o Prize Scams:
Paano maiwasang maging biktima ng phishing scams
Ano ang iba pang paraan upang mapanatiling ligtas ang aking personal information?
Maayos na i-dispose ang iyong mga personal information mula sa packaging material ng iyong mga order. Maaari mong punitin o takpan ang iyong information gamit ang marker upang mapanatiling ligtas ang iyong personal details.
Alamin ang iba pang tungkol sa Data Privacy at ang 11 privacy tips upang protektahan ang iyong datos.