Hi, how can we help?

What to do when receiving an order? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Kapag dumating ang rider upang ihatid ang order, narito ang mga sumusunod na alituntunin sa kung ano ang gagawin sa pagtanggap ng parcel:

  • Para sa Cash on Delivery (COD), ipakita ang iyong valid government ID, at mangyaring ihanda ang eksaktong halaga ng bayad at ibigay ito sa rider.

  • Para sa Non-Cash on Delivery (Non-COD), ipakita ang iyong valid government ID at i-claim ang iyong order.

 
ID sample used_3.png 
 

⚠️ Tandaan

Maaaring kuhanan ka ng litrato ng rider at hilingin sa iyo na pirmahan ang proof of delivery bilang patunay/ebidensya na natanggap mo ang iyong order. Alamin ang tungkol sa Data Privacy Guidelines para Shipment at Delivery



Ang buyer ay maaari lamang tumanggi na tumanggap ng isang order/parcel sa mga sumusunod na kondisyon:

  • May mga palatandaan na pinakialaman ang packaging ng order (bukas na ang packages, sirang packaging)

 

picture6 copy.png 

 

  • Ang shipping impormasyon na nakasaad sa airway bill (AWB) ay mali. Ibig sabihin ay maaaring ang parcel na ibinigay sa iyo ay hindi ang iyong order.



Pakitandaan na hindi mo maibabalik ang parcel na nabuksan na pabalik sa rider. Sa halip, maaari kang humiling ng Return/Refund para sa mga hindi kumpleto, mali, o nasira na mga produkto.

 

Gayunman, kung nasiyahan ka sa kondisyon ng natanggap na produkto, maaari mong pindutin ang “Order Received” button sa iyong Shopee App.



Alamin kung ano ang maaari mong gawin kung may ibang nakatanggap ng iyong order.

Was this article helpful?
Yes
No