Hi, how can we help?

How do I prevent the removal of my product review? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Pakitandaan na aalisin ng Shopee ang mga review o sagot na lumalabag sa aming guidelines, at maaaring bawiin ang anumang Shopee Coins na naibigay. Para maiwasan itong mangyari, sundin ang mga tips na ito:



1. Magbigay ng malinaw at relevant na product review

  • Mag-upload ng malinaw na image o video ng actual na product na natanggap

  • Gumamit ng appropriate at ma-respeto na language sa iyong feedback

  • Magbigay ng detailed review tungkol sa produkto (Performance, quality, suitability) at/o seller’s service (shipping, attitude, customer service, packaging)

  • Iwasang mag-upload ng blangkong content, malabong larawan/video, o mga hindi related na content

 

 

2. Iwasan ang pag-spam ng mga character o paglalagay ng random text para lamang punan ang word count at makakuha ng coins

  • Iwasan ang paulit-ulit na characters, salita, o parirala

  • Huwag gumamit ng sobrang simbolo o emojis

  • Panatilihing related ang mga texts, huwag maglagay ng lyrics ng kanta, quotes, o hindi kaugnay na content

 

 

3. Iwasang mag-upload ng mga larawan o video na walang kaugnayan sa produkto

  • Huwag mag-upload ng mga imahe na may graphics, emojis, o body gestures na hindi kaugnay sa produkto

  • Iwasan ang mga blangkong imahe o video (halimbawa, black screen na walang produktong ipinapakita)

  • Huwag mag-submit ng mga video na may animation lang, hindi klarong objects, o motion blur na hindi kaugnay sa produkto

 

 

4. Iwasan ang paggamit ng bastos, abusado, o hindi magalang na wika para insultuhin o pababain ang iba, kahit na sila ay may pagkakamali

  • May mga bulgar/mura/nangsusumpang salita (anumang wika o emojis),positibo o negatibo man ang feedback

  • May mga nakakasakit o mapoot na pananalita para sa isang partido/tao na may layuning manggulo, magbanta, o magpahiya sa kapwa

  • Ang pagbibintang sa kabilang partido na ito ay isang bogus seller/scammer

  • Pagbabahagi ng sensitibong impormasyon na nauugnay sa pulitika, kasarian, relihiyon, kultura, at current events

 

 

5. Iwasang magbahagi ng anumang personal contact information at mga social media details na maaaring magamit upang makipag-transaksyon offline o sa labas ng Shopee 

  • May mga personal na impormasyon tulad ng contact number, address, mga detalye ng bangko, personal ID, atbp

  • Inilalantad ang personal na impormasyon ng ibang mga user gaya ng pangalan, username, email address, contact number, social media account, atbp.

 

 

6. Iwasang magbigay ng mga explicit at offensive references na tumutukoy sa sex o bodily function kapag nagbibigay ng mga product review

  • Iwasan ang mga imahe/video na naglalantad o nag-eexpose ng mga pribadong bahagi ng katawan, kahit na censored o uncensored

  • Huwag mag-upload ng mga imahe/video na may sekswal na mga poses

  • Iwasan ang paggamit ng mga symnols, texts, o emoticons na naglalarawan ng mga sekswal na gawain

 

 

 

Alamin kung paano mag-rate at mag-review ng product.

Was this article helpful?
Yes
No