For the English version of this article, click here.
Maiiwasang ma-scam at makuha ang iyong mga personal na impormasyon kung susundin ang mga sumusunod na guidelines:
1. I-download ang official Shopee App
Kunin ang Shopee App mula sa mga official sources upang magkaroon ng mga latest security updates.
Android Play Store
iOS App Store
Huawei App Gallery
2. Makipag-transaksyon sa loob ng Shopee lamang
Kung ikaw ay bumibili sa Shopee, laging tiyakin na lahat ng inyong transactions ay nangyayari sa loob ng Shopee app o sa ating official website — shopee.ph.
Mag-ingat sa sinumang humihingi ng bayad nang hindi dumadaan sa checkout page.
3. Maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang mensahe
Ang mga maling spelling at grammar, mga link na humihingi ng personal at sensitive information gaya ng iyong password o one-time password (OTP) ay mga senyales ng isang scam message.
4. Huwag ipaalam ang iyong mga personal at sensitive account information
Ang mga account information gaya ng passwords, OTPs, password reset links, at kahit litrato ng iyong sarili ay maaaring gamitin ng mga manloloko upang magamit ang iyong account.
Huwag ibahagi ang kahit anong credit/debit card details.
Dahil ang Shopee ay hindi hihingiin ang mga naturang information sa labas ng Shopee App, mag-ingat sa mga humihingi nito.
5. Magkaroon ng good password habits
Regular na palitan ang iyong account password at ang ShopeePay PIN number.
Iwasang gumamit ng mga magkaparehong passwords/PIN numbers sa iba’t-ibang platforms
Huwag ipaalam sa kaninuman ang iyong password/PIN.
Kung sa tingin mo’y nakatanggap ka ng scam message, ipaalam agad ito sa Shopee Customer Service at magbigay ng screenshot ng naturang message.
Alamin ang mga karaniwang scams at ano ang mga dapat gawin tungkol dito.