For the English version of this article, click here.
Ang Two-Factor Authentication (2FA) verification methods ay nagsisilbi bilang dagdag-seguridad upang protektahan ang iyong Shopee account mula sa mga di-awtorisadong paggamit.
Halimbawa, maaaring hingiin na i-verify mo muna ang iyong sarili gamit ang 2FA verification methods kung gagawa ng mga importanteng bagay gaya ng pag-log in, pagpapalit ng password, at paglalagay ng bank account information.
Narito ang 6 na uri ng 2FA verification methods na maaari mong makita:
1. Face verification
Para matagumpay na mag-authenticate gamit ang face verification, tiyakin na:
Ikaw ay nasa lugar na may sapat na liwanag (di madilim o sobrang maliwanag)
Hindi ka gumagalaw upang mai-focus nang maayos sa camera sa iyong mukha (iwasan ang paglabo)
Tanggalin ang anumang harang sa iyong mukha (hal. facemasks, sunglasses)
Sundin ang mga prompts na ibinibigay habang nasa verification process (hal. blink eyes, turn head, nod, open mouth)
⚠️ Tandaan I-verify ang iyong ShopeePay upang magamit ang face verification 2FA method. |
2. QR code
Para mag-verify gamit ang QR code, buksan ang QR scanner ng Shopee App sa homepage at i-scan ang code. Kung mag-e-expire ang QR code pagkatapos ng 10 minuto, i-refresh para makabuo ng bago.
⚠️ Tandaan Kung ang iyong QR code ay na-generate gamit ang phone, kailangan mong itong i-scan gamit ang ibang phone na naka-log in ang iyong Shopee account. |
3. Authentication link
Para mag-verify, piliin ang authentication link na ipinadala sa iyong rehistradong email o phone. Iya-redirect ka sa isang page kung saan maaari mong aprubahan o tanggihan ang aksyon (hal., bagong login attempt). Kung hindi mo natanggap ang link, maaari kang humingi ng bago pagkatapos ng 60 segundo.
4. One-Time Password (OTP)
Para mag-verify, ilagay ang 6-digit verification code na ipinadala sa iyong rehistradong email o phone. Maaari kang mag-request ng bagong code pagkatapos ng 60 segundo kung kinakailangan.
⚠️ Tandaan Huwag ibahagi ang iyong OTP sa kaninuman, kahit sa Shopee staff. |
5. Password
Ang iyong password ay maaaring gamitin para sa verification, pero may daily limit kung gaano karaming beses mo ito magagamit.
6. ShopeePay PIN
Ang iyong ShopeePay PIN ay maaaring gamitin para sa verification. Kung mag-enter ka ng maling PIN ng maraming beses, maaaring ma-temporarily disable ang iyong wallet ng 30 minuto. Ang paulit-ulit na maling pagtatangkang ito ay maaaring mag-freeze ng iyong account. Para sa tulong, makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service.
⚠️ Tandaan Kung magkaroon ng system error o maabot mo ang 2FA attempt limit, maaari mong: · Subukan ulit pagkatapos ng 15 minuto. · Makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service para sa karagdagang tulong. |