For the English version of this article, click here.
Ang program na ito ay may dalawang cycles: January 1 hanggang June 30 at July 1 hanggang December 31. Ang iyong total completed orders at gastos sa loob ng bawat 6-month cycle ang magde-determine ng iyong loyalty tier para sa susunod na cycle. Nagkakaroon naman ng tier refresh tuwing January 1 at July 1.
Kung ma-meet mo ang required number of completed orders at spend para mag-upgrade habang nasa gitna ng isang cycle, ma-uupgrade ka agad pagka-complete ng order at maki-keep mo ang tier na ito hanggang sa dulo ng susunod na cycle.
Ang iyong loyalty tier ay nakabase sa kaukulang dami ng completed orders at total spend.
Loyalty Tier | Corresponding orders |
Silver | Para sa lahat ng users na may higit sa 3 orders pero hindi lalampas sa 15 orders, at may total spend na ₱6,000 noong nakaraang cycle. |
Gold | Para sa lahat ng users na may higit sa 15 orders at cumulative spend na ₱6,000, pero hindi lalampas sa 30 orders at total spend na ₱30,000 noong nakaraang cycle. |
Platinum | Para sa lahat ng users na may higit sa 30 orders at total spend na ₱30,000 noong nakaraang cycle. |

⚠️ Tandaan Ang mga completed orders ay katumbas ng mga orders received. |
Halimbawa:
Kung makaka-complete ka ng 30 orders na may total spend na ₱30,000 ngayong December 2025 (previous cycle: July 1, 2025–December 31, 2025), magiging Platinum user ka para sa current cycle (January 1, 2026–June 30, 2026).
Para ma-maintain ang iyong Platinum status para sa susunod na cycle (July 1, 2026–December 31, 2026), kailangan mo ulit makabuo ng 30 orders at total spend na ₱30,000 bago mag-June 30, 2026.
JULY 1 REFRESH | |
COMPLETED ORDERS AND SPEND (JANUARY 1 TO JUNE 30 CYCLE) | LOYALTY TIER STATUS (JULY 1 TO DECEMBER 31 CYCLE) |
3 o higit pang orders pero mas mababa sa 15 orders at mas mababa sa ₱6,000 na total spend. | Silver |
15 o higit pang orders pero mas mababa sa 30 orders at ang total spend ay hindi bababa sa ₱6,000 pero hindi lalampas ng ₱30,000. | Gold |
30 orders pataas at ang total spend ay hindi bababa sa ₱30,000. | Platinum |