For the English version of this article, click here.
1. Paano kinukwenta ng Shopee ang shipping fees?
Kinukwenta ng Shopee ang shipping fees batay sa timbang ng parcel at sukat na ibinigay ng seller, pati na rin ang mga rate ng iba’t-ibang logistic partner.
2. Ang mga produkto ba na mula sa iba't ibang seller sa parehong order ay ihahatid sa pamamagitan ng parehong paraan ng shipping method?
Hindi, kapag bumili ka mula sa iba't ibang seller sa parehong order, ang (mga) produkto ay ihahatid batay sa shipping option na mayroon ang bawat seller.
Halimbawa, kung bumili ka ng Item A at B mula sa seller X at Item C mula sa seller Y sa parehong order placement:
Ang mga item A at B ay ipapadala sa pamamagitan ng shipping method ng Seller X.
Ang item C ay ipapadala sa pamamagitan ng shipping method ng Seller Y.
⚠️ Tandaan Ang mga shipping fee ay magkahiwalay ring sisingilin para sa mga produkto mula sa magkaibang seller. |
Oo, maaari mong palitan nang isang beses ang allocated courier sa loob ng isang oras pagkatapos gawin ang courier allocation ng isang order o hanggang sa i-book ng seller ang order para sa pick-up, alinman ang mauna. Gayunpaman, kung ang seller ay wala nang iba pang courier bilang shipping option, hindi mo mapapalitan ang courier. Ang pagpapalit ng shipping option ay pinapayagan lamang para sa Standard Option.
Pumunta sa Shipping Information > pindutin ang CHANGE > pumili ng ibang courier na maaaring maghatid ng iyong order > Confirm.
Upang makita ang shipping updates para sa iyong mga order, pumunta sa To Ship o To Receive sa ilalim ng My Purchases sa Me tab ng Shopee App > Pindutin ang shipment status ng iyong order > Tingnan ang lahat ng shipping updates.
Kung hindi ka nasiyahan sa delivery service, maaaring ka mag iwan ng rating para sa Delivery Service pagkatapos makumpirma na natanggap mo na ang iyong order.
Pumunta sa Completed > pindutin ang Rate > at pagkatapos ay mag-iwan ng rating para Delivery Service > Submit.