For the English version of this article, click here.
Q: Paano kinakalkula ang shipping fee sa Shopee?
A: Ang shipping fee ay batay sa timbang at sukat ng parcel na ibinigay ng seller, kasama ng courier rates mula sa logistics partners ng Shopee.
Q: Pareho bang shipping method ang gagamitin kung galing sa iba't ibang sellers ang mga items sa iisang order?
A: Hindi. Ang items mula sa magkaibang sellers ay ipapadala nang hiwalay gamit ang shipping method na available o pinili ng bawat seller. Ihiwalay rin ang shipping fee kada seller.
Halimbawa:
Kung umorder ka ng Items A at B mula kay Seller X, at Item C mula kay Seller Y:
Items A at B ay ipapadala gamit ang shipping method ni Seller X
Item C ay ipapadala gamit ang shipping method ni Seller Y
Q: Puwede ko bang palitan ang shipping option ko?
A: Oo, maaari mong palitan ang naka-assign na courier isang beses lang, sa loob ng 1 oras mula nang ma-assign ang courier o bago ma-book ng seller ang pick-up, alin man ang mauna. Available lang ito kung pinayagan ng seller ang multiple couriers sa Standard Option.
Pumunta sa Shipping Information > CHANGE > piliin ang available na courier > Confirm.
Q: Saan ako makakakita ng shipping updates ng order ko?
A: Para makita ang shipping status ng order mo, pumunta sa Me tab sa Shopee App > My Purchases > To Ship o To Receive > piliin ang order > piliin ang shipment status > View all shipping updates.
Q: Paano kung hindi ako satisfied sa delivery service?
A: Kung hindi ka natuwa sa delivery experience, maaari kang magbigay ng Delivery Service rating kapag ni-rate mo ang produkto pagkatapos mong i-confirm ang delivery ng order mo.
Pumunta sa Me tab > My Purchases > Completed > Rate sa order > i-rate ang Delivery Service > Submit.