Hi, how can we help?

General

Policies
Shopee Account
Guidelines
Shopee App (Android/iOS)
Resources
Additional Services
Buying Safely
Shopee Desktop

[Account Security] How do I keep my Shopee account secure?

For the English version of this article, click here.

Upang mapanatiling secure ang iyong Shopee account, narito ang mga sumusunod na guidelines upang maprotektahan ang iyong personal information at ligtas na makapag-transaksyon: 

1. Huwag ipagkalat ang iyong account password, One-Time Password (OTP), at ang ShopeePay PIN.

Ito ay mga confidential information na hindi dapat ibinibigay sa kaninuman, kahit na sa kamag-anak at mga kaibigan.

⚠️Tandaan

• Hindi kailanman hihingiin ng Shopee ang iyong mga personal information.

• Mag-ingat sa mga scammers na nagkukunwaring Shopee employees at hinihingi ang iyong mga personal information, na kunwari’y ikaw ay nanalo ng premyo. Huwag maniwala sa mga ito at agad na kontakin ang Shopee Customer Service.

2. Gumamit ng strong password at ShopeePay PIN, at regular itong palitan.

Ang isang unique password at ShopeePay PIN ay makakatulong para maging secure ang iyong account. Ang palagiang pagpapalit nito ay nagbibigay pa ng karagdagang seguridad.

Ang isang strong password ay:  

  1. May hindi bababa sa 8 characters
  2. Naglalaman ng numbers, symbols (hal., !@#$%^&*), at parehong malalaki at maliliit na letra

Para sa password at ShopeePay PIN, tiyakin na:

  1. Huwag gamitin ang iyong personal name, username, o ang date of birth.
  2. Huwag gumamit ng mga consecutive characters gaya ng “abcd”, “0000”, o mga keyboard sequence gaya ng “qwerty” at “147852”.

3. Buksan ang iyong Shopee account at makipag-transaksyon lamang gamit ang official Shopee App/Website.

Ugaliing i-double-check ang mga link at tiyakin na ito ay bahagi ng aming official Shopee website na https://shopee.ph. Huwag maniwala sa sinumang nais makipag-transaksyon sa labas ng official Shopee platforms.

⚠️Tandaan

• Ang mga scammer ay maaari kang padalhan ng link na kahawig ng official Shopee website at hingin ang iyong personal information o di kaya’y mag-download ng isang file. 

• Ang Shopee ay hindi magpapa-download ng anuman o magpapa-log in sa ibang site maliban sa official Shopee website.

4. Laging i-update ang iyong account information.

Siguraduhin na ang iyong account information, gaya ng phone number, address, at email address, ay up-to-date. Ito ay importante dahil maaari kang makatanggap ng mga mahahalagang impormasyon gaya ng One-Time Password (OTP) for verification gamit ang iyong phone number, at para matiyak na matatanggap mo ang iba pang impormasyon at updates mula sa Shopee.

Was this article helpful?
Yes
No