Hi, how can we help?

[SPayLater] What are the terms for payment by SPayLater? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Eligibility

Maaari kang magbayad sa Shopee gamit ang SPayLater s kung ikaw ay:

  • 21 - 65 taong gulang

  • Valid Government ID 

 

Bibigyan ka ng spending limit depende sa iyong payment history at spending behavior. Maaari mong tingnan ang overall at remaining spending limit sa SPayLater Page.

 

Kung pasok ka sa mga eligibility condition ngunit hindi makapagbayad gamit ang SPayLater, kontakin ang Shopee Customer Service. 

 

⚠️ Tandaan 

• Ang iyong spending limit ay maaaring mabago ayon sa pagpapasya ng Shopee, depende sa iyong repayment behavior. Bayaran ang iyong mga bill sa tamang oras upang maiwasan ang pagbaba nito.

• Walang minimum order amount para sa paggamit ng SPayLater.

 

 

Payment plans

Ang SPayLater ay may processing fee na 0-2% sa bawat transaction amount, at monthly interest mula 1-5% para sa mga item. Bayaran ang iyong SPayLater bill sa tamang oras upang maiwasan ang mga karagdagang charges!

 

Processing Fee

Interest Rate

Late Payment Fee

0-2% ng kabuuang halaga

1-5% bawat buwan sa kabuuang order


Ang interest rate ay batay sa iyong personal credit profile

2.5 - 5%


Ang buwanang rate na ito ay ipapatong sa outstanding amount

 

⚠️Tandaan

Ang palaging late na pagbayad ay maaaring magresulta sa iyong Shopee Accoung:

· Limitadong paggamit ng mga voucher ng Shopee

· Limitadong access sa mga function ng Shopee App



Payment due dates

Maaari mong piliin ang iyong SPayLater payment due date batay sa kung kailan mo binili ang item. Narito ang mga available due dates:

  • Magbayad sa ika-5 ng bawat buwan

  • Magbayad sa ika-15 ng bawat buwan

 

⚠️Tandaan

• Ikaw’y makakatanggap ng bill 10 araw bago ang due date. Alamin kung paano makita ang iyong SPayLater bill.

• Kung ikaw ay nagbabayad ayon sa billing cycle na sinelect bago ang due date, kakailanganin mong kumpletuhin ang payment ayon sa original due dates. I-check ang SPayLate page para sa iyong due dates. 

 

 

Returns/refunds

Kung ikaw ay nag-raise ng return/refund para sa isang produkto na binayaran ito gamit ang SPayLater, ang mga terms na ito ay mag a-apply:

  • Para sa mga order mula sa iisang seller lamang, anumang return/refund requests ay ia-apply sa lahat ng mga item.

  • Para sa mga order na mayroong mga item mula sa higit isang seller, anumang refund requests para sa isang item ay ia-apply sa lahat ng ibang pang items mula sa parehong seller.



SPayLater is a payment method offered by SeaMoney (Credit) Philippines, Inc. regulated by the Securities and Exchange Commission.

Was this article helpful?
Yes
No