For the English version of this article, click here.
Narito ang mga posibleng dahilan kung bakit na-reject ang iyong request para sa account deletion:
1. Account Restrictions:
Maaring naka-limit o restricted ang iyong account. Alamin kung bakit at kung paano ito maibabalik.
2. Phone Number Used Multiple Times:
Kung ang iyong phone number ay ginamit sa maraming accounts, makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service para sa tulong.
3. Ongoing Orders or Refunds:
Siguraduhing natapos na lahat ng orders, kabilang ang mga delivery at return/refund requests, bago mag-request ng account deletion. Ang transaction ay matatapos kapag na-proseso na ang refund o bayad.
4. ShopeePay Balance or Transactions:
Dapat zero ang iyong ShopeePay balance bago mag-request ng account deletion. I-withdraw ang natitirang funds at tiyaking tapos na lahat ng transactions.
5. Account Deletion Limit:
Pwede ka lamang mag-delete ng account na gamit ang parehong phone number nang hanggang dalawang beses. Kung ginamit ulit ito sa pangatlong pagkakataon, hindi na maaaring i-delete ang account.
6. SPayLater Bills:
Siguraduhing bayad na ang lahat ng SPayLater bills bago mag-request ng account deletion.
7. Open Cases:
Hintayin na maresolba ang anumang open cases sa Shopee bago magpatuloy sa account deletion.