For the English version of this article, click here.
Kapag nakatanggap na ng Shopee Gift Card code sa iyong email o mula sa link na ibinigay ng sender, maaari mo nang gamitin ang gift card. Ang instructions kung paano i-redeem at gamitin ang iyong Shopee Gift Card ay makikita sa email o sa may Terms & Condition ng iyong Shopee Gift Card.
Para magamit ang Shopee Gift Card, pumili ng item sa Shopee na maaaring gamitan ng iyong Shopee Gift Card. Sa Shopping Cart o Checkout page, pindutin ang Shopee Voucher > pindutin ang voucher code field > i-type ang Shopee Gift Card voucher code na ibinigay sa iyo > pindutin ang Apply > Check Out o Place Order.
Ang kabuuang halaga ay awtomatikong ibabawas base sa nakasaad na halaga sa Shopee Gift Card.
⚠️ Tandaan • Magagamit lang ang Shopee Gift Card nang isang beses sa loob ng nakasaad na validity period. • Ang validity period ng Shopee Gift Card ay effective agad at nagsisimula sa araw na binili ito ng buyer. • Kung ang total amount ng bibilihin ay mas mataas sa amount ng Shopee Gift Card, kailangan bayaran ang sobra gamit ang ShopeePay. • Ang Shopping Voucher Gift Cards ay magagamit kasama ng shop's voucher o promotion, kung ito ay applicable. • Ang Load, Bills, & E-Vouchers Gift Cards ay di maaaring gamitin sa ibang voucher. |
Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee Gift Card.