For the English version of this article, click here.
Ang Shipping fee ay ang halagang ipinapatong ng seller para i-deliver ang parcel sa isang buyer. Dahil ang seller ay naghahanda at nagpapadala ng kanilang sari-sariling mga parcel, ang pagbili mula sa iba’t-ibang seller ay nangangahulugan na kailangan mong magbayad ng iba't ibang shipping fees na ipapatong ng bawat seller.
Halimbawa, kung bibili ka ng Item X mula sa Seller A (shipping fee Php 40) at Item Y mula sa Seller B (shipping fee Php 45), ang kabuuang shipping fee ng order ay PHP 85.
⚠️ Tandaan Kung bibili ka ng maraming produkto mula sa parehong seller sa isang order, isang beses ka lang icha-charge ng shipping fee. Halimbawa, kung bibili ka ng mga Item X, Y, Z mula sa Seller A sa isang order, isang beses ka lang icha-charge ng shipping fee. Kung bumili ka ng 5 unit ng Item X mula sa Seller A sa isang order, icha-charge ka pa rin ng parehong shipping fee. |