For the English version of this article, click here.
Ino-notify ang seller tungkol sa iyong return/refund request at dapat siyang mag-respond sa loob ng 2 araw. Mayroong 4 na posibleng resulta na maaari mong asahan:
1. In-accept ng seller ang request
Kung in-accept ng seller ang request, makakatanggap ka ng mga return instruction sa pamamagitan ng in-app push notification (at email, kung applicable). Ang refund ay ipo-proseso pagkatapos ma-check at ma-aprubahan ang mga returned product.
2. Hindi nag-respond ang seller sa loob ng ibinigay na time frame
Kung hindi nag-respond ang seller sa loob ng ibinigay na time frame, ang iyong request ay awtomatikong maa-aprubahan at ang refund ay agad na ipo-proseso.
3. Nag-propose ang seller ng refund negotiation (Bagong Process)
Para sa mga approved returns, maaaring mag-propose ang seller ng isang partial refund (isang adjusted refund amount) nang hindi kailangang ibalik ang item. Magkakaroon ka ng 1 araw para mag-respond sa isa sa mga opsyong ito:
⚠️ Tandaan
Ang bagong Return/Refund Process ay kasalukuyang applicable sa mga piling Seller o Shop lamang. Ito ay unti-unting ilalabas sa lahat ng seller.
4. Nag-dispute ang seller
Kapag nag-raise ng dispute, ang Shopee ay papasok upang mamagitan sa sitwasyon. Maaaring hilingin ng Shopee ang parehong buyer at seller na magbigay ng karagdagang evidence upang magkaroon ng fair resolution.