For the English version of this article, click here.
Ang M Lhuillier (ML) branches ay tumatanggap ng mga karagdagang item para sa return, basta't mahigpit na sundin ang mga guideline sa ibaba:
Gadgets
- Kailangang may specs sheet (specification sheet). Ang specs sheet ay naglalaman ng detalye ng mga gadget. (Ito ay maaaring i-search sa Google para sa reference o mga sample - Bilang karagdagang customer service, maaaring i-print ng ML ang specs sa isang luma/bagong bond paper).
- Dapat na maayos na naka-pack at protektado ng bubble wrap.
Appliances
- Dapat kasama ang orihinal na packaging at may mga protective insert tulad ng Styrofoam, bubble wrap atbp.
- BAWAL ang mga bulky appliances tulad ng refrigerator, air conditioner, telebisyon, at iba pang malalaking appliances.
Kitchenware/Houseware
- Dapat na maayos na naka-pack at protektado ng mga insert tulad ng karton, papel, Styrofoam, bubble wrap, atbp.
- Ang mga bagay na fragile o madaling masira ay dapat ipagbigay-alam sa ML head office bago ito tanggapin dahil maaaring magdagdag ng additional fees para sa special handling.
- Ang mga bulky o malalaking kitchenware/houseware ay hindi tatanggapin.
Musical Equipment/Instruments
- Ang mga item ay dapat na maayos na naka-pack.
- Kailangang ipagbigay-alam sa ML head office bago ito tanggapin dahil maaaring magdagdag ng additional fees para sa pag-create o special handling.
- Ang mga bulky o malalaking musical equipment/instrument ay hindi tatanggapin.
Beverage
- Must come with its original packaging if available and must have protective inserts such as cartons, Styrofoam, and bubble wrap.
- Alcohol content must be properly declared in the item description.
- Kailangang nasa orihinal na packaging nito kung maaari pa at dapat may mga protective insert tulad ng mga karton, Styrofoam, at bubble wrap.
- Ang alcohol content ay dapat na maayos na nakasaad sa item description.
⚠️Tandaan Mangyaring ingatan ang original packaging ng mga parcel na nais mong ibalik. Ang M Lhuillier ay maaari lamang magbigay ng mga libreng pouch at packaging tape sa kanilang branch. Ang mga high-value, fragile, o ang mga item na idineeliver sa isang box packaging ay dapat dalhin kasama ng original box packaging. Kung hindi, maaaring i-reject ng ML ang iyong parcel na hindi nakabalot ng maayos. |
Tumatanggap na ngayon ang M Lhuillier ng return parcels sa NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao. I-check ang operational branch detail dahil hindi lahat ng branch ay maaaring tumanggap ng mga return.
⚠️ Tandaan. Tandaan na maaaring magbago ang operational ML Branches nang walang paunang abiso. |