For the English version of this article, click here.
Q: Anu-ano ang mga pagbabago sa aking ShopeePay account?
A: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ShopeePay na matiyak ang seguridad ng mga user account, at alinsunod sa mga regulasyon ng Anti-Money Laundering (AML) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga existing user na may non-verified (basic) ShopeePay account ay kinakailangang mag-submit ng mga karagdagang impormasyon upang maiwasang mawala ang access sa mga ShopeePay services. Maaari mong patuloy na magamit ang ShopeePay services sa dalawang paraan:
Mag-upload ng valid ID at ilagay ang iyong mga personal information.
Kung walang ID, magbigay ng mga karagdagang information.
Ang mga user na may non-verified ShopeePay account ay magkakaroon ng mga sumusunod na monthly limits:
Php 10,000 inflow limit
Php 10,000 outflow limit
Php 50,000 wallet balance
Q: Ano ang mga inflow, outflow, at wallet limits na ito?
A: Ito ay ang mga sumusunod:
Inflow Limit - Kabuuang halaga ng iyong natatanggap sa iyong ShopeePay wallet bawat buwan
Outflow Limit - Kabuuang halaga ng iyong inilalabas sa iyong ShopeePay wallet bawat buwan
Wallet Balance - Maximum amount na maaari mong itago sa iyong ShopeePay wallet
Q: Paano ko malalaman kung ang aking account ay verified o hindi?
A: Pumunta sa iyong ShopeePay wallet at ang mga sumusunod ay makikita bilang acting cards, sa bandang ilalim ng mga service icons:

Q: Ano ang pagkakaiba ng non-verified at ng verified account? Nagagamit ko pa rin naman ang ShopeePay sa ibang mga transaction.
A: Narito ang mga kaibahan sa pagitan ng non-verified at verified:
Features  | Non-verified  | Verified  | 
Inflow Limit  | Php 10,000  | Php 100,000  | 
Outflow Limit  | Php 10,000  | Php 100,000  | 
Wallet Balance  | Php 50,000  | Php 100,000  | 
Pay on Shopee  | ✓  | ✓  | 
Scan to Pay  | ✓  | ✓  | 
Buy Load  | ✓  | ✓  | 
Pay Bills  | ✓  | ✓  | 
Send Money  | ✘  | ✓  | 
Bank Transfer  | ✘  | ✓  | 
Q: Bakit ako hinihingian ng karagdagang personal information?
A: Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ShopeePay na matiyak ang seguridad ng mga user account, at alinsunod sa mga regulasyon ng Anti-Money Laundering (AML) at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kinakailangang ibigay ang mga sumusunod na impormasyon information upang magkaroon ng non-verified e-wallet account:
- Email Address
- Place of Birth
- Date of Birth
- Nationality
- Source of Funds
- Industry
- Occupation
- Employer Name
- Purpose of Opening
- Present Address
- Permanent Address
- Gender
- Income
Alamin kung paano i-verify ang iyong ShopeePay account.