For the English version of this article, click here.
Q: Kailan ko matatanggap ang aking booking confirmation?
A: Para sa mga activity na may instant confirmation: Makakatanggap ka ng booking confirmation (PDF file) sa pamamagitan ng email sa loob ng 5 minuto pagkatapos gawin ang iyong booking.
Para sa mga activity na walang instant confirmation: Matatanggap mo ang iyong booking confirmation via email sa loob ng 3-4 na oras kung ikaw ay nag-book mula 8AM-5PM. Kung nakapag-book nang lagpas na sa oras na ito, matatanggap ang kumpirmasyon sa next business day.
Maaari mo ring tingnan ang iyong Shopee application sa Order Details Page at piliin ang View upang makita ang iyong e-ticket.
Q: Maaari ba akong mag-book ng activity para sa ibang tao?
A: Oo. Tiyaking ibigay ang mga detalye ng taong iyong ibinu-book sa pag-fill upng customer details section habang nagbu-book ng ticket.
Tandaan na ang ibang Shopee ticket ay non-transferable at maaari lamang gamitin ng taong nakasaad sa customer details noong ito’y binili. Siguraduhing mailagay mo ang tamang guest details sa iyong booking.
Q: Ano ang maaari kong gawin kung hindi ko pa natatanggap ang aking booking confirmation email?
A: I-check ang iyong email spam/junk folder kung sakaling ang booking confirmation email ay aksidenteng naisama ito sa iyong spam filter. I-search ang "tickets.id@shopee.com" o isang keyword sa junk/spam mail.
Kung hindi mo pa rin mahanap ang iyong booking confirmation email, makipag-ugnayan sa aming mga customer support agent sa pamamagitan ng iyong > piliin ang iyong booking > "Chat with us".
Q: Paano ko magagamit ang e-ticket (para sa mga applicable event/tour/attraction) upang makapasok sa event, attraction, o tour na na-book ko?
A: Maaari mong i-print o buksan ang e-ticket (kung applicable) mula sa iyong phone at ipakita ito sa entrance o sa taong in charge upang iproseso ito sa mismong event/attraction/tour. Maaari mo lamang i-redeem ang ticket sa iyong napiling booked date at time ng ticket.
Q: Maaari ba akong gumamit ng Voucher o Shopee coins para mag-redeem?
A: Oo, maaari kang gumamit ng anumang applicable voucher at gamitin ang Shopee coins sa pag-checkout.
Q: Ano ang mangyayari kung nasa event/tour/attraction na ako ngunit may isyu sa pagpasok (hal. Hindi ina-acknowledge ang booking, atbp.)?
A: Mangyaring kontakin kaagad ang Shopee Customer support team kung mayroon kang anumang isyu.
Q: Ano ang gagawin kapag ang isang event ay kinansela ng mga organizer?
A: Ipapaalam ng Merchant Partner sa Shopee ang anumang mga event na na-cancel at mga order na apektado. Ang aming customer support team ay makikipag-ugnayan sa lahat ng apektadong user sa pamamagitan ng email.
Q: Maaari ko bang ilipat ang aking mga tiket sa ibang tao?
A: Pakitandaan na ang ibang Shopee ticket ay non-transferableat maaari lamang gamitin ng taong nakasaad sa customer details noong ito’y binili. Siguraduhing mailagay mo ang tamang guest details sa iyong booking.
Para sa mga ticket na itinuturing na transferable, mangyaring kontakin ang Shopee Customer Service para sa anumang concerns, issues, at clarifications.
Q: Bakit hindi gumagana ang aking ticket?
A: Para sa anumang isyu tungkol sa paggamit ng ticket, mangyaring kontakin kaagad ang Shopee Customer Support team.
Q: Paano ko ire-reschedule ang aking booking?
A: Maaari kang pumunta sa iyong E-Ticket sa Shopee App, pagkatapos ay pindutin ang View My Bookings link para ma-reschedule ang iyong booking sa ibang petsa. Maaari mong i-reschedule ang iyong booking kung valid pa rin ang status ng ticket bago ang aktwal na date ng iyong initial booking. Maaaring i-check ng mga user ang View My Bookings homepage para tingnan kung valid pa rin ang kanilang ticket para sa reschedule. Kung hindi na ito valid para sa pag-reschedule, hindi na maire-reschedule ng mga user ang kanilang tiket.
Para sa isang maayos rescheduling process, mangyaring i-reschedule ang iyong booking 2-3 araw bago ang aktwal na date ng iyong initial booking.
Alamin ang tungkol sa Tours & Attractions.