Hi, how can we help?

What are Shopee Live Violations and Penalties? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Para sa mas malalim na pagtalakay tungkol sa Shopee Live Violation at Penalties for Seller, bisitahin ang Seller Education Hub.


Important

Sundin mabuti ang mga panuntunan sa ibaba, kung ang stream ay nakitaan ng mga violation, maaari itong magresulta sa termination o permanent banning ng iyong livestream access.



Tiyakin na hindi makagawa ng mga violation sa pamamagitan ng pagsunod sa mga guideline para sa mas magandang Livestream experience:


1. Low Quality Labeling 


Di-magandang Live Content (Static Screen at Pre-recorded Video)

Ang Seller ay walang interaction sa kanyang mga viewer at ang stream ay nagpapakita lamang ng mga item o background.


Mga halimbawa:

• Ang seller ay walang interaction at pinaghihintay lamang ang mga viewer nang walang abiso:

• Walang interaction nang mahigit 10 minuto sa simula ng session

• Walang interaction nang mahigit 5 minuto sa gitna ng session

• Ang stream ay nagpapakita lamang ng mga produkto o item at walang live host na nag-i-interact sa mga viewer (mannequin, clothes, toys, accessories, atbp.)

• Ang stream ay nagpapakita lamang ng screen display ng recorded video o patalastas sa halos buong stream

• Sa stream ay makikita lamang ang host/person ngunit walang interaction sa mga viewer

• Ang stream ay nagpapakita lamang ng background (warehouse, store, room, cabinet, wall, etc.)


Mga Isyu sa Technical Quality

Lahat ng technical issues na nangyayari sa streaming na dulot ng unstable internet connection, black screen, pangit na video at audio quality.

Mga halimbawa:

Black screen o ang camera ay may takip/natatakpan

Landscape streaming (gamit ang phone)

Ang video ay nagla-lag

Ang audio ay choppy o malabo

Di magandang lighting  

May error sa Shopee account (nag-crash ang app crashed at natigil ang session)

Malabo o pixelated ang stream

Gumagalaw na camera



2. Explicit Content 


Mga Di-Angkop na Streaming Content

Iwasan ang mga unprofessional streaming at mga obscene content & products. Ang mga sellers ay dapat ding maayos ang pananamit.


Mga halimbawa:

• Paninigarilyo at pagbe-vape o re-enactment habang nagi-stream

• Ang host o ang taong nasa background ng stream ay di-angkop ang pananamit

• Revealing clothes

• Taong nakahubad sa stream

• Ang session title, cover image, at stream ay labag sa ‘adult item selling’ policy

• Ang session title ay may mga sensitive keyword

• Ang cover image ay may uncensored at/o realistic textures ng mga private body part

• Ang stream ay nagpapakita ng live demo ng paggamit ng adult products


Pangha-harass sa Iba at Pagmumura

Iwasang gumamit ng mga bastos, nakakasakit at pa-galit na salita na naglalayong mang- harass, magbanta, o sadyang ipahiya ang buyer o viewer.

Mga halimbawa:

Paggamit ng mga bulgar na salita o mura habang nagi-stream 

Paggamit ng mga nakakasakit na salita patungkol sa mga buyer

Pagbibigay ng streamer ng mga malisyoso at sensitibong biro

Pagpapatugtog ng kantang may mura 

Pagbibintang sa mga user bilang bogus buyer o joy reserver/miner



Mga Menor de Edad na Walang Gabay

Hindi pinahihintulutan ng Shopee Live ang mga menor de edad (18 taong gulang pababa) na mag-live streaming nang walang patnubay ng nakatatanda o consent mula sa magulang/legal guardian.


Halimbawa:

• Menor de edad na nagbebenta/nagi-streaming nang walang adult supervision

• Walang nakatatanda during the entire stream

• Ang nakatatanda ay naririnig lamang sa video ngunit hindi nagpapakita



3. Inappropriate Products


Pagbebenta ng mga Illegal Items

Iwasang magtinda ng mga item na ipinagbabawal ng Shopee dahil ito ay labag sa batas base sa aming general listing guidelines.


Mga halimbawa:

• FDA Warned Items

• Government Regulated and Issued Items (DOH, DTI, PNP regulated items)

• Weapons/Firearms at Ammunition

• Combustible Items, Explosive, at mga Hazardous Chemicals (cigarette lighter, fireworks,etc.)

• Prohibited Pet Care, Animals, at Wildlife Items

• Currency, Credits, and Artifacts (paid raffle slots, credit/debit card, coins and bills, stocks, etc.)

• Tobacco at Alcoholic Beverages

• Medical Devices, Medicines, at Supplements

• Drugs at mga kaukulang Paraphernalia



Pagbebenta ng iba pang Shopee-Prohibited Items 

Iwasang magtinda ng mga item na ipinagbabawal ng Shopee base sa general listing guidelines.

Mga halimbawa:

• Pre-loved o mga gamit nang personal items (undergarments, contact lenses, feeding bottles, breast pump, pacifier, teether, diaper cloth, contact lens)

• Shopee Mystery Items at pre-packed parcel (individual items not showcased)

• Mga bawal na food-related items (details not showcased during stream)

• Food products na walang expiration date 

• Mga food products na walang label at packaging

• Homemade Food

• Repacked decant / de-takal na mga food items

• Exclusive Distribution Rights Infringement

• Physical currency/credits gaya ng loyalty cards, stored value cards, sim cards, load card

• Electronic surveillance equipment

• Mga political at cultural-sensitive products



Mga Pekeng Item
Pagbebenta ng mga pekeng item with legal complaints. Ang mga pekeng produkto ay ginawang kamukha ng mga item mula sa isang brand upang lokohin ang buyer.

Mga halimbawa:

• Mga pekeng Calvin Klein products na ibinebenta sa mas mababang SRP

• Mga pekeng Tony Moly/ Etude House

• Peke / Refurbished Mobile Phones

• Mga pekeng Starbucks mug at tumbler

• Pirated CD's at DVD's

• Flash drives/hard drive disks na may movies

• Digital accounts (premium accounts at services)

• Illegal publications, books, films, videos, at/o video games (base sa PH listing guidelines)

• Iba pang pekeng produkto o replica ng mga existing official product



4. Misleading Information

Mga maling promotional content at exaggerated product facts at features. (Dapat ay alinsunod sa presyong iniutos ng DTI)


Mga halimbawa:

• Profiteering ng Face Shields, Face Masks, Nebulizers, Alcohols, atbp.

• Pagbebenta ng mga overpriced products o mas mataas kaysa SRP

• Pagbibigay ng maling impormasyon at description ng seller tungkol sa item

 

Directing Transactions Outside Shopee 

Iwasan ang mga outside Shopee transaction upang makaiwas sa mga scam, bogus buyers, at mga fraudulent activity.


Mga halimbawa:

• Pagtulak sa mga buyer na bumili gamit ang mga external website (o ibang online selling platforms) at/o social media accounts

• Pag-aya sa mga buyer na makipag-transact offline

• Pag-uutos sa mga buyer na magbayad gamit ang mga Remittance centers na hindi Shopee-supported

• Promoting Cash on Pickup

• Paghingi ng partial advance payment/down payment sa title at cover image

 

 

Promoting Social Media Accounts and Personal Information

Huwag hingin sa mga buyer na i-follow ang iyong social media account at/o kanilang contact information.


Mga halimbawa:

• Pag-promote ng social media account sa title, cover image, at stream

• Paglalagay ng link patungo sa anumang social media page sa title, cover image, at stream

• Pagbibigay ng personal contact information

• Paghingi sa contact information ng buyer

 

 

5. Spamming 

Mga unsolicited message o advertisements na paulit-ulit ipinapadala (pag-aalok ng seller ng ibang trabaho/serbisyo)



6. Mga Special Guideline para sa Shopee Live Campaigns 

Hinihinalang paggawa ng buy-and-sell services na ipinagbabawal sa Shopee (Maingat na gamitin ang iyong mga voucher. Huwag pansinin ang mga viewer request na magdagdag ka pa ng produkto sa iyong orange bag.)



Alamin ang iba pang tungkol sa Shopee Live.
Was this article helpful?
Yes
No