For the English version of this article, click here.
Makakatanggap ka ng email mula sa ShopeePay (invoicing.sis@shopee.com) na naglalaman ng kopya ng iyong mga Invoice, Official Receipt, at Acknowledgement Receipt. Ang mga dokumentong ito ay ipapadala bawat buwan, na nakapaloob ang lahat ng transactions ng nakalipas na buwan:
Walang kailangang gawin o anumang tugon kapag natanggap mo ang email. Tandaan na kung walang related fees o mga cash-in amount mula sa iyong ShopeePay transactions sa nakalipas na buwan, walang kaukulang dokumento na ilalabas ng system.
Other FAQs:
Q: Ano ang email na ito?
A: Ang email na ito ay naglalaman ng summary ng mga admin fees na siningil at binayaran sa ShopeePay at/o mga cash-in transactions mo via Direct Debit, Over-the-Counter (OTC), Non-Bank, at Online channels ng nakalipas na buwan. Ang mga kopya ng iyong Invoice, Official Receipt, at Acknowledgement Receipt ay naka-attach sa email, na matatanggap mo bawat buwan.
Q: Kanino galing ang email?
A: Ang official email address na nagpapadala ng email ay invoicing.sis@shopee.com
Q: Kailan ako makakatanggap ng email?
A: Ipapadala ang email sa lahat ng user tuwing ika-8 na araw ng susunod na buwan (hal. Ang December 2023 Billing and Receipts ay ipapadala sa lahat ng user sa January 8, 2024).
Q: Nakatanggap ako ng email na may subject na: [Invoice generated] Your invoice has been generated.
Ito ba ay email mula sa ShopeePay? Ito ba ay kapareho ng ShopeePay Billing and Receipts?
A: Opo, ito ay parehong email. Simula ngayon, ang email subject ay magiging ShopeePay Invoice and Receipts, at ito ay manggagaling sa parehong sender: invoicing.sis@shopee.com.
Q: Ano ang nilalaman ng email?
A: Ang mga sumusunod na documents ay ia-attached sa email kung ikaw ay may applicable ShopeePay transactions sa nakalipas na buwan:
Invoice: Summary ng mga admin fees billed by ShopeePay
Official Receipt: Summary ng mga admin fees paid directly to ShopeePay
Acknowledgment Receipt: Summary ng mga cash-in amounts via Direct Debit/Over-the-Counter (OTC)/Non-Bank/Online channels
Q: Bakit may ibang fees na hindi kasama sa mga attached documents?
A: Tanging ang mga fees na siningil at binayaran sa ShopeePay lamang ang ipapakita sa iyong invoice at receipts, kabilang na ang mga admin fees (hal. mula sa send money transactions) at ang total amount na pumasok sa iyong ShopeePay account mula sa cash-in transactions via Direct Debit, Over-the-Counter (OTC), Non-Bank at Online channels.
Ang iba pang fees na siningil ng aming payment service providers o bank partners ay hindi kasama sa mga dokumentong matatanggap mo kada buwan.
Q: Ano ang kailangan kong gawin matapos matanggap ang email?
A: Walang kailangang gawin kapag natanggap mo ang mga dokumento.
Q: May kailangan bang bayaran sa mga natanggap na documents?
A: Walang kailangang bayaran para sa mga natanggap mong dokumento.
Q: May matatanggap ba akong documents kung wala akong transaction sa nakalipas na buwan?
A: Wala po, ang user ay hindi makakatanggap ng Invoice at ng Official Receipt kung walang ShopeePay transactions na may kinalaman sa admin fees. Gayundin, hindi makakatanggap ang user ng Acknowledgement Receipt kung walang cash-in transactions via Direct Debit, Over-the-counter (OTC), Non-Bank, o Online channels sa nakalipas na buwan.
Q: Sino ang maaari kong kausapin para sa mga katanungan tungkol sa email?
A: Para sa anumang tanong, maaari mong tawagan ang aming ShopeePay Customer Service.