Hi, how can we help?

What’s In-App Chat with SPX Rider? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

Maaaring i-message ang rider mo sa Shopee App sa tatlong paraan:

  1. Sa pamamagitan ng push notifications (PNs)

  2. Gamit ang driver’s card sa Shipping Information page

  3. Mula sa iyong chat list

 

 

⚠️ Tandaan

Makakatanggap ka lang ng SPX chat push notifications kung naka-enable ang Shopee push notifications sa device mo. Alamin kung paano i-manage ang iyong notifications.

 

Frequently Asked Questions:

Q: Dapat ko bang gamitin ang in-app chat para makausap ang rider?

A: Opo, simula March 11, maaari nang gamitin ng mga piling buyer ang in-app chat bilang mode of communication sa kanilang SPX rider.

 

Q: Kailangan ko bang mag-message muna sa rider?

A: Opo, maaari kang mag-message sa rider sa araw ng delivery. Laging i-check ang iyong PN / messages at magalang na mag-reply sa tamang oras.

 

Q: Bakit gumagamit na ng in-app chat ang SPX?

A: Noon, ang ating mga rider ay gumagamit ng WhatsApp o tumatawag upang makipag-usap, ngunit ang ganitong paraan ay hindi konektado sa driver app. Sa pamamagitan ng in-app chat ay maaari nang magbahagi ng impormasyon ang buyer diretso sa driver app.

 

Q: Namo-monitor ba ang mga chat?

A: Opo, ang SPX ay may built-in monitoring tool para i-track ang mga chat interactions at messages. Ito ay makakatulong para sa patuloy na pagpapaganda ng feature at malaman kung ano ang mga dapat pang ayusin sa service. Dagdag pa rito, kung magkaroon ng anumang pagtatalo sa pagitan mo at ng rider, ang in-app chat ang magbibigay ng malinaw na pag-unawa sa nangyari.

 

Q: Sino ang maaaring gumamit ng in-app chat feature?
A: Simula June 26, 2025, magiging available na ang In-App Chat with SPX Rider para sa lahat ng deliveries nationwide.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied