For the English version of this article, click here.
⚠️ Tandaan Ang SeaMoney Financial Products ay tumutukoy sa iba’t ibang financial products na mayroon sa Shopee app, gaya ng ShopeePay, SPayLater, SLoan, at Insurance. |
Ang mga smartphone ay naging malaking bahagi na ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Dahil dito, alam ng mga kriminal ang higit na kahalagahan ng iyong smartphone kaysa sa presyo nito kapag ibinenta.
Kung sakaling ang iyong smartphone ay mawala o manakaw, narito ang mga dapat gawin:
Manatiling kalmado at mahinahon.
Subukang hanapin ang iyong smartphone gamit ang Find My Phone (iOS) o ang Find My Device (Android).
I-lock ito at burahin ang data. Kung hindi mo makita ang iyong smartphone, gamitin ang mga binaggit na service upang i-lock ito remotely at mabura ang mga data para mapangalagaan ang iyong personal information.
Ipagbigay-alam sa iyong service providers at bangko.
Kontakin ang iyong (mga) bangko AGAD upang ipasara o i-lock ang iyong account.
KOntakin ang iyong mobile service provider upang ipa-disconnect ang linya nito nang maiwasan ang mga unauthorized transaction.
MAHALAGA: Makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service via Live Chat o Internet Call gamit ang ibang device o internet browser upang i-report ang nangyari
Ito ay para maiwasan ang anumang unauthorized use ng iyong ShopeePay wallet o SPayLater at SLoan (kung activated).
Ang internet call option ay makikita sa ibabang bahagi ng Help Center.
I-report sa National Telecommunications Commission (NTC)
Maghanda ng proof of ownership at valid ID.
Sagutan at ipa-notaryo ang blocking form, at i-submit sa link na ito.
Sa pamamagitan nito, hindi na magagamit ang smartphone sa sandaling ipasara ng NTC ang Phone Address nito.
Ipagbigay-alam sa iyong mga kaanak at kaibigan. Ito’y upang di sila maloko ng mga taong maaaring magkunwaring ikaw sa pamamagitan ng paggamit sa iyong mga account.
Ano ang mga maaaring gawin upang maiwasan ito?
Para sa karagdagang tulong, maaaring kontakin ang Consumer Welfare and Protection Division (CWPD) ng NTC:
Email: Consumer@ntc.gov.ph
Contact numbers: 8-921-3251, 8-926-7722
Alamin kung paano makaiwas mula identity theft, at paano pangalagaan ang iyong finances sa SeaMoney.