Hi, how can we help?

How to return your order via SPX Express? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maaari mong maipadala nang libre ang iyong return order sa pamamagitan ng SPX Express at maita-track mo ito gamit ang app.


1. Piliin ang Pick Up bilang return shipping option

Kapag na-approve na ang iyong Return/Refund request (naka-Return Pending status), gawin ang mga sumusunod:

Piliin ang Shipping Option > Pick Up > I-confirm ang iyong pickup address at pumili ng preferred pickup date para makapag-proceed.

 


⚠️ Tandaan

· Simula 14 July 2025, ibigay na lang ang return item sa rider — si SPX na ang bahala sa pag-pack at pag-attach ng AWB para sa’yo. Kasama na rin ang packaging materials tulad ng pouches, boxes, bubble wrap, cling wrap, at printed AWBs na ipoprovide ng SPX.  Kukuhanan ng rider ang item ng photos bago at pagkatapos ito i-pack.

· Available lang muna ito sa piling serviceable areas.

· Para sa high-value, fragile, o mga item na originally delivered in a box, siguraduhing isama ang original box packaging. Kung hindi ito naka-pack nang maayos, maaaring tanggihan ng SPX Express ang parcel.

· Kung gusto mong gumamit ng ibang courier, puwede kang pumili ng Drop Off o ang Self Arrange option.


Pumili ng preferred pickup date. Ang pinakamaagang available na date ay kinabukasan, at puwede kang mamili mula sa susunod na tatlong (3) araw pagkatapos mong piliin ang SPX Express bilang iyong return courier.



Maaari mong i-update ang pickup address kung kinakailangan. Siguraduhing tama ang address bago i-tap ang Confirm para ma-submit.



Ihanda ang iyong return parcel

Siguraduhing kumpleto ang item. Pagdating ng SPX Express Rider, ibigay ang parcel at ipakita ang QR code mula sa Return/Refund Details page. I-scan ng rider ang QR code para makumpirma ang pickup. Puwede ka ring kumuhanan ng litrato kasama ang rider na hawak ang parcel bilang proof.


Puwede mong i-track ang status ng return parcel sa Shopee app sa Return/Refund Details page. Kapag na-verify na, maaaring umabot ng hanggang 11 days para ma-process ang iyong refund.




2. Piliin ang Drop Off bilang return shipping option

Kapag nagre-request ng Return/Refund, sa ilalim ng Return Method, piliin ang Drop Off > Piliin ang SPX Express > I-confirm.



Dalhin ang iyong return parcel sa drop off location

Sa branch, ipakita ang item na ibabalik at ang tracking number na makikita sa app sa counter. Iche-check ng Drop Off branch ang item at sila na rin ang mag-iimpake nito para sa return.


Maaari mong i-track ang return parcel sa Shopee app. Pahintulutan si Shopee o ang seller na i-validate ang parcel. Maaaring umabot ng hanggang 11 araw ang refund processing kapag na-verify na ang return parcel.


⚠️Tandaan

• Ang SPX Drop Off ay available lamang sa piling SPX Drop Off Branches at Partners (kasama ang ilang M Lhuillier outlets).

• Siguraduhing ma-drop off ang return parcel sa loob ng 5 calendar days matapos ma-approve ni Shopee ang iyong return request. Kung hindi ito ma-drop off sa loob ng panahon na ito, maaaring ma-cancel ang request at mapupunta ang bayad sa seller.



Alamin ang iba pang tungkol sa pag-return ng order, pag-raise ng return and refund request at pagkuha ng refund.
Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied