Hi, how can we help?

How to convert SPayLater - Buy Now Pay Later (BNPL) to Installment? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang SPayLater – Buy Now, Pay Later (BNPL) ay isang feature ng SPayLater na nagbibigay-daan sa’yo na makabili sa Shopee at bayaran ang lahat ng checkouts mo sa susunod na due date. Ngayon, puwede mo nang i-convert ang iyong BNPL purchases into installments para mas madali ang pag-manage ng gastos.

 

Gawing Installment ang iyong BNPL

Pumunta sa SPayLater sa app > Mag-scroll pababa at piliin ang Convert into Installment > Piliin ang BNPL transaction > Next > I-review ang installment amount > Pumili ng payment term > Tingnan ang buwanang breakdown (hindi pa kasama ang processing fees) > Confirm.

 


Maaari mong i-confirm ang BNPL conversion sa Transactions page at hanapin ang mga item na may label na CONVERTED.


 

⚠️ Tandaan

• Ang conversion sa installments ay available lang para sa SPayLater transactions.

• May pagbabago sa interest at fees depende sa bagong installment transaction. Ang promotional interest ay maaaring hindi na magpatuloy.

• Ang BNPL transactions ay puwedeng i-convert lang kung hindi pa ito naka-mark bilang Order Completed.

• Siguraduhing maingat na i-review ang iyong transactions bago i-confirm. Kapag na-convert na, hindi na ito maibabalik sa BNPL.

 

FAQs

Q: Saan at paano ko pwedeng i-convert ang BNPL transactions?
A: Pumunta sa SPayLater Homepage o Transaction Page > piliin ang Convert into Installment.

 

Q: Pwede ko bang i-convert ang SLoan o ibang transaction sa installment?
A: Hindi, SPayLater BNPL transactions lang ang pwedeng i-convert. Available lang ang feature na ito para sa mga orders na gamit ang SPayLater.

 

Q: Gaano katagal ang BNPL conversion at paano ko malalaman kung successful ito?
A: Real-time ito nangyayari, at makakakuha ka ng confirmation notification.

 

Q: Bakit hindi ako makapag-convert ng transaction?
A: Wala kang eligible na BNPL transaction ngayon. Dapat higit sa ₱1.00 ang BNPL transaction amount mo.

 

Q: Pwede ko bang i-partial convert ang BNPL transaction ko?
A: Hindi, kailangang i-convert ang buong transaction.

 

Q: Pwede ko bang ibalik sa BNPL ang installment ko?
A: Hindi, kapag na-convert na ang BNPL mo sa installment, hindi na ito pwedeng ibalik.

 

Q: May notification ba ako matatanggap kapag successful ang conversion?
A: Oo, makakatanggap ka ng notification bilang confirmation ng successful conversion.

 

Q: Pwede pa rin ba akong mag-refund kahit na-convert na ang BNPL ko?
A: Oo, pwede pa rin mag-refund kahit converted na sa installment.

 

Q: Ano ang mga tenor options para sa BNPL conversion?
A: May 3/6/12 months na options, pero depende ito sa available SPayLater installment terms mo.

 

Q: Ano mangyayari sa 0% interest ng BNPL kapag kinonvert ko ito?
A: Mawawala na ang 0% interest rate kapag kinonvert mo sa installment. Magkakaroon ito ng interest at fees depende sa napiling installment tenure.

 

Q: Hanggang kailan ako pwede mag-convert mula BNPL sa ibang term?
A: Pwede mong i-convert ang BNPL transaction mo kahit kailan bago ang due date.

 

Q: Pwede bang pagsabayin ang “Before Order Received” at “After Order Received” transactions sa conversion?
A: Pwede mo silang i-convert ng sabay, pero magiging magkahiwalay pa rin silang installment transactions pagkatapos ng conversion.

 

Q: Pwede ko bang i-convert ang BNPL ko kung today na ang due date?
A: Hindi, hindi mo na pwedeng i-convert ang BNPL transaction kung due date na ito o lampas na.

 

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied