For the English version of this article, click here.
Gamit ang SPayLater, maaari kang bumili sa Shopee at bayaran ang iyong kabuuang bill sa isang scheduled due date. Ngunit kung kailangan mo ng mas mahabang panahon para magbayad, maaari mong palitan ng mas mahabang payment plan ang mga qualified SPayLater Buy Now-Pay Later purchases upang mas madali itong bayaran.
Mga benepisyo:
Mas mababang bayarin buwan-buwan – Mas madaling i-manage ang iyong babayaran dahil maaari mong hatiin ang malalaking payments sa mas maraming buwan.
Walang dagdag o hidden charges na kailangang bayaran kapag nag-switch sa mas mahabang payment plan. Standard interest lamang ang ia-apply base sa iyong nominal interest rate at payment duration.
Mag-switch sa mas mahabang payment plan
Siguraduhing naiintindihan mo muna kung paano iko-compute ang bago mong payment plan. Tandaan, hindi na maaaring bawiin ang pag-switch sa longer payment plan, kaya siguraduhing final na ang desisyon mo bago magpatuloy.
Para ma-convert ang iyong eligible purchases, pumunta sa SPayLater sa Shopee app > Pindutin ang Convert to Installment > Piliin ang transaction na gusto mong baguhin > Next > Pumili ng payment tenure (kung ilang buwan mo gustong bayaran) > I-check ang monthly repayment breakdown (hindi pa kasama rito ang processing fees) > Confirm.

⚠️ Tandaan Maaari lamang mag-convert ng transactions mula 03:00 AM - 12:00 AM bago ang iyong due date. |
Kapag nakumpleto na ang proseso, maaari nang tingnan ang updated transaction sa Transaction page. Ang mga successful na na-convert na items ay mamarkahan bilang Converted.

Frequently Asked Questions
Q: Gaano katagal bago mag-reflect ang switch, at paano ko malalaman kung successful ito?
A: Real-time ang pagbabago. Makakatanggap kayo ng confirmation notification kapag successful ang pagprocess.
Q: Bakit hindi ko ma-switch ang aking transaction sa mas mahabang payment plan?
A: Sa kasalukuyan, wala kayong eligible SPayLater transactions. Sa ngayon, mga BNPL transactions palang ang pwede iconvert sa mas mahabang installments.
Q: Maaari ko bang i-switch ang bahagi lamang (partial amount) ng isang transaction sa mas mahabang payment plan?
A: Hindi. Ang buong transaction amount ay kinakailangang mai-switch.
Q: Makakatanggap ba ako ng notification kapag matagumpay nang nai-switch ang aking transaction?
A: Oo. Makakatanggap kayo ng notification na nagpapatunay sa naganap na pagbabago.
Q: Maaari pa rin ba akong mag-request ng refund matapos mag-switch sa mas mahabang payment plan?
A: Oo. Ina-allow pa rin ang mga refund kahit matapos kayong mag-switch sa mas mahabang payment plan pero subject pa rin ito sa Shopee return / refund policy.
Q: Ano-anong payment duration options ang available?
A: Ang mga available na payment duration ay maaaring 3, 6, o 12 buwan, depende sa inyong kasalukuyang SPayLater eligibility at sa mga available na opsyon.
Q: Ano ang mangyayari sa aking promotional o 0% interest rate matapos mag-switch?
A: Hindi na mag-aapply ang mga promotional o 0% interest rate pagkatapos ng switch, at ang mga regular SPayLater interest rate na ang gagamitin.
Q: Maaari ko bang isabay ang pag-switch ng “Before Order Received” at “After Order Received” transactions?
A: Oo. Maaari ninyong isabay ang pag-switch ng parehong transaksyon, ngunit mananatili pa rin ang mga ito bilang magkahiwalay na transaction matapos ang pagbabago.
Q: Bakit mas mataas ang aking total repayment amount matapos mag-switch?
A: Mas mataas ang inyong total repayment dahil ang interest ay calculated sa mas mahabang payment period. Ang mas mahabang installment period ay maaaring magpababa ng inyong monthly payment, ngunit maaari nitong pataasin ang kabuuang interest.
Q: Anong order ang eligible para sa BNPL conversion?
A: Generally, lahat ng SPayLater orders ay pwede sa BNPL conversion.
Q: Anong mangyayari sa unang na-issue na loan contract ?
A: Mapapalitan ito sa loob ng 3-5 business days ng bagong contract na nagpapakita ng updated loan terms at computation.
⚠️ Tandaan • Ang pag-switch sa mas mahabang payment plan ay available lamang para sa mga eligible SPayLater transactions. • Mangyaring i-review nang mabuti ang inyong mga napili. Kapag ang mga transaksyon ay nakumpirma na para sa conversion, hindi na ito maaaring ibalik (non-reversible). |