Hi, how can we help?

How do I cash in my ShopeePay with eTap? (TAG)

For the English version of the article, click here.


Ang eTap ay isang self-service payment kiosk na maaaring gamitin para mag-cash in sa iyong ShopeePay wallet, magbayad ng bills, mag-top up ng e-wallets, at iba pa. Maaari kang mag-cash in nang walang service fee, na may minimum cash-in amount na ₱500.

Sa Shopee App, pumunta sa ShopeePay Wallet > Over-the-Counter > eTap > Confirm > Ilagay ang cash-in amount o pumili ng cash value > Pay Now.

ce5b159cbc594429ae29d66d63af854f.gif

 

Makikita mo ang Payment Code at ang sumusunod na eTap Payment Instructions:

  1. Pumunta sa pinakamalapit na eTap kiosk.

  2. Sa eTap kiosk, piliin ang Top Up > SHOPEEPAY.

  3. Ilagay ang iyong Payment Code mula sa ShopeePay Payment Instruction Page, pagkatapos ay piliin ang Proceed.

  4. Ilagay ang iyong mobile number, pagkatapos ay piliin ang PROCEED at hintaying ma-validate ang transaction.

  5. I-review ang transaction details sa confirmation page, pagkatapos ay i-tick ang box para kumpirmahin.

  6. Piliin ang Pay Cash > Proceed to pay with cash, pagkatapos ay ilagay ang cash sa feeder.

  7. Kapag nakumpleto na ang transaction, piliin ang iyong preferred receipt option.

 

c058c709c31c4d7dab6e1b7bfa5cbca9.gif

 

⚠️Tandaan

Ang Payment Code ay valid sa loob ng 1 oras. Kumpletuhin ang iyong cash-in transaction sa loob ng panahong ito. Kapag nag-expire ang code, kailangan mong mag-generate ng bagong Payment Code.

 

 

Frequently Asked Questions (FAQs)


Q: Libre ba ang pag-cash in via eTap?
A: Oo. Walang service fee ang pag-cash in gamit ang eTap.


Q: Paano mag-cash in sa SPP Wallet via eTap?
A: Sa SPP App, piliin ang eTap bilang cash-in method sa ilalim ng Over the Counter category. Ilagay ang amount na gusto mong i-cash in at tandaan ang Payment Code. Pumunta sa pinakamalapit na eTap machine, ilagay ang Payment Code at cash-in amount, pagkatapos ay ipasok ang bills sa kiosk.


Q: Anong denominations ang tinatanggap ng eTap machines?
A: Tumatanggap ang eTap machines ng ₱20, ₱50, ₱100, ₱500, at ₱1,000 na Philippine peso bills.


Q: May minimum o maximum cash-in amount ba bawat transaction?

A: Oo. Ang minimum cash-in amount ay ₱500, habang ang maximum ay ₱10,000 bawat transaction.


Q: Gaano katagal bago ma-credit ang cash-in amount sa aking ShopeePay Wallet?

A: Ang iyong cash-in amount ay ma-credit sa iyong ShopeePay Wallet shortly pagkatapos ma-process nang successful ang transaction.


Q: Maaaring bang maggenerate ng panibagong Payment Code kung nakapag-generate na dati?

A: Oo, maaari pa ring makapag-generate ng panibagong payment code kahit nakapag-generate na dati.


Q: Ano ang dapat kong gawin kung hindi na-credit sa aking ShopeePay Wallet ang cash-in amount sa araw ng pag-cash in?

A: Maaaring makipag-ugnayan sa eTap Customer Service team sa pamamagitan ng mga sumusunod na channels:


Q: Ano ang dapat kong gawin kung mas malaki ang naibayad ko kaysa sa required amount at kailangan ko ng sukli?

A: Hindi nagbibigay ng sukli ang eTap machines. Ang anumang excess amount ay ma-credit sa iyong MySukli account sa eTap, na maaari mong gamitin sa iyong susunod na transaction.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied