For the English version of this article, click here.
Sundin ang mga sumusunod para masigurong approved ang iyong ShopeePay verification:
1. Ibigay ang mga tamang detalye - siguraduhing tama ang information na ilalagay sa ID field, ayon sa mga detalye ng iyong ID, at kumpletuhin ang lahat ng dapat sagutan.
2. Documents ay dapat madaling mabasa -Huwag takpan ang anumang information. Tanggalin ang mga sticker, kung meron man, na nakaharang sa mga importanteng detalye ng iyong ID. Tanggalin muna sa case ang ID bago litratuhan para maka-iwas sa glare.
Siguraduhin na ang mga detalye ay malinaw at tugma sa iyong nilagay sa mga field
(halimbawa: spelling o mismatch sa pangalan, ID number, atbp.)
Para sa Guidelines ng Passport Verification:
Kunan ng litrato ang iyong passport details (page 2).
Hindi na kailangan na i-include ang signature part (page 3)
Siguradughin na sa flat na surface, maliwanag na lugar, at nababasa ang details.
3. Dapat valid ang mga ID - Hindi tatanggapin ng ShopeePay ang mga expired na ID. Ang expiration date ay dapat nang higit sa 24 oras mula sa submission ng application.
Ang user ay dapat magsubmit ng application bago magexpire ang ID.
Halimbawa:
Kung ang validity ng ID ay hanggang bukas (08/04/2024), ang application ay dapat na i-submit hanggang sa araw na bago ito mag-expire (08/03/2024).
4. Kita dapat sa ID ang iyong buong Pangalan, Birthdate, Picture, at ID number - Ang mga iyon ay dapat malinaw para mapadali ang identification.
Siguraduhin na ang ID number na nilagay ay tugma sa nakasulat sa ID. Ang mga sumusunod na ID lang ang aming tinatanggap, puwedeng magbago ang listahan nang walang abiso.
5. Malinaw dapat ang selfie na hawak ang ID - iwasang magpasa ng malabong selfie kasama ang valid ID. Siguraduhing maaliwalas sa pagkukuhaan ng iyong selfie.
6. Mga menor de edad mula 13 hanggang 17 years old - Dapat i-submit ng mga magulang o guardian ang mga sumusunod na dokumento:
Pinakabagong Enrollment Form (kung expired ang student ID ay expired)
Student ID ay tatanggapin na Valid ID kung ang minor ay walang ibang valid ID.
Parental Consent Form na pirmado ng magulang o guardian na isa-submit nang naka JPEG format (available din sa Help Center).
Kopya ng birth certificate
Prueba ng legal guardianship, kung meron (hal. adoption form).
⚠️ Tandaan • Madiin naming sinusunod ang “One ShopeePay wallet per user” policy. Ang iyong sunod na application ay automatic na ire-reject kapag meron ka nang active at existing wallet.Para i-delete ang lumang ShopeePay account, pindutin ito. • Para sa deleted ShopeePay accounts, ang iyong application gamit ang ID na may parehong detalye sa deleted account ay maa-aprubahan, kung ito ay higit na sa 24 oras mula sa pagkabura ng unang account. • Kapag meron kang 2 o higit pang active Shopee account, isasarado namin ang iyong ibang account at sisiguraduhing ISA lang sa iyong mga wallet ang mananatiling open. Iko-contact ka ng aming ShopeePay team para pag-usapan ang mga susunod na action (confirmation of multiple accounts, transfer of balances, closure of accounts). • Para mag-comply sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang ID verification ay mayroong validity period. May matatanggap na notice sa push notification isang buwan bago ang expiry. Ikaw ay maaaring i-request na mag-reapply para sa verification. |