For the English version of this article, click here.
Q: Bakit hindi ko makita ang SPayLater sa aking app?
A: Sa ngayon, available ito sa mga piling Shopee users lamang.
Q: Bakit hindi ko makumpleto ang aking SPayLater application? Bakit laging lumalabas ang Error 22?
A: Ang Error 22 ay nakakaapekto sa ilang Android devices na walang Google Play services, kaya hindi makapag-proceed sa facial verification.
Kung na-download mo ang Shopee gamit ang Google Play o kung mayroon ka pang Google Play, sundin ang mga steps na ito:
I-update ang Google Play services.
Kumpletuhin ang facial verification.
Kung hindi pa rin gumana, maghintay ng 10 minuto, siguraduhing may internet connection, i-restart ang device, at ulitin ang Step 2.
Ang mga Android users na walang Google Play services ay hindi makakatapos ng SPayLater application. Paumanhin sa abala at ipapaalam namin sa inyo kapag available na ang feature sa lahat ng devices.
Q: Paano babayaran ang late fee ng SPayLater?
A: Ang late payment penalty ay 2.5%–5% kada buwan sa outstanding loan at interest. Para magbayad, i-check ang bill sa SPayLater main page at i-tap ang “Pay Now”.
Hindi mo magagamit ang SPayLater sa checkout hangga't hindi mo nababayaran ang bill. Ang paulit-ulit na pagkaantala ay maaaring magpababa ng iyong credit limit.
Ang late payments ay maaaring magdulot ng:
Pag-freeze ng account
Paghigpit sa paggamit ng vouchers
Pagkakaroon ng record ng late payments
Q: Kailan iko-consider ang order ko as Complete?
A: Ang iyong order ay considered as complete kapag pinindot ma na ang “Order Received” sa app o kapag automatic itong ma-complete matapos mag-expire ang Shopee Guarantee Period ng iyong item.
Q: Puwede ko bang palitan ang billing date?
A: Sa ngayon, hindi puwedeng palitan ang mga billing date, pero tinitingnan namin kung puwede itong maging option sa future.
Q: Bakit hindi nagre-reflect ang payment ko sa aking SPayLater account?
A: Maaari kang maka-experience ng mga delay sa posting ng iyong bayad through certain Payment Centers. Maghintay ng ilang minuto at tingnan ulit kung ito ay successful. Maaaring magka-late fees ang mga late payment posting. Para maiwasan ito kung magbabayad sa Payment Centers, siguraduhing magbayad at least 2 araw bago ang due date.
Q: Paano ko patataasin ang aking credit limit?
A: Ang SPayLater credit limit ay automatic na ina-adjust base sa good repayment performance over time. Patuloy mong gamitin ang SPayLater at magbayad ng bills on time para ma-enjoy ang mas marami pang benefit in the future.
Q: Ang SPayLater ba ay maaapektuhan ng Bayanhian to Recover as One Act?
A: Ang Bayanihan to Recover as One Act ay ang one-time nationwide 60-day grace period na sumasaklaw sa mga loan bago ang September 15, 2020, at may mga due date na pumapatak sa period ng September 15, 2020 hanggang December 31, 2020. Ang grace period ay hindi pwede i-grant sa mga loan matapos ang implementation ng Act.
Lahat ng SPayLater billing ay hindi maaapektuhan ng Bayanihan to Recover as One Act dahil ang mga loan na ito ay maa-avail pagkatapos ng September 15. Pero para sa re implementation o extension ng Act in the future, ang mga existing bill ay eligible na sa grace period.
Q: Ano ang dapat kong gawin pag nagkaproblema ako sa SPayLater page?
A: Kung mayroong issues or problema, gawin ang basic troubleshooting.
Alamin ang iba pangbagay tungkol sa SPayLater at Shopee Supported Payment Channels.