For the English version of this article, click here.
Ang cash-on-delivery (COD) na payment method ay maaaring hindi available sa iyong Shopee account dahil sa mga sumusunod na dahilan:
Failed COD Deliveries
Ang COD ay maaaring masuspinde nang 90 araw kung ikaw ay tumanggi o hindi nakatanggap ng COD orders matapos ang dalawang delivery attempts sa nakalipas na 90 araw.
⚠️ Tandaan · Ang COD ay muling maa-activate matapos ang 90 araw mula sa unang failed COD order. Sa panahong ito, maaari kang gumamit ng iba pang Shopee-supported payment methods. · Kung hindi pa rin available ang COD matapos ang 24 oras mula sa pagtatapos ng suspension, subukang i-refresh ang iyong app. · Ang paulit-ulit na failed deliveries ay maaaring magresulta sa permanenteng suspension ng COD option. |
Seller Settings
Maaaring walang COD option ang seller o ito ay naka-disable. Maaari mong hilingin sa seller na i-enable ito, ngunit ang COD ay sinusuportahan lamang ng Shopee’s Integrated Couriers.
Suspicious Activity
Ang kahina-hinalang aktibidad sa isang COD order ay maaaring magdulot ng restriction. Makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service para sa karagdagang impormasyon.
Non-Serviceable Address
Ang availability ng COD ay naka-depende sa delivery coverage ng courier.
Mixed Shipping Options
Hindi available ang COD kapag ang mga items na nasa cart ay may iba’t ibang shipping options. Siguraduhing lahat ng items ay sumusuporta sa COD para magamit ang option na ito.