Hi, how can we help?

[New to Shopee] Why can't I place my order during checkout? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Narito ang ilan sa mga maaaring dahilan kung bakit hindi mai-place ang iyong order sa checkout:

 

1. Ang iyong account ay limited

Ang account ay maaaring limited kung ito ay hinihinalang lumabag sa Shopee’s terms and conditions, na makaka-apekto sa kakayanan ng user para mag-purchase. Alamin ang tungkol sa account limitations

 

2. Walang available na shipping options

Kung walang available na shipping option ay hindi mo mape-place ang iyong order. Alamin kung bakit walang Shipping options na available.

 

3. Hindi gumana ang piniling payment method

Kung ang piniling payment method ay di gumana, ang order ay hindi magtutuloy. Maaari kang gumamit ng iba pang payment method na available upang bumili.

  

4. Magkaiba ang shipping options na offered sa bawat produkto (kung bumibili ng multiple products o items)

Kung ang naka-set na shipping option para sa bawat produkto ay magkakaiba, hindi mo ma-che-checkout ang produkto nang sabay-sabay.

 

5. Lumagpas sa courier’s limit ang sukat at/o timbang ng nais bilhin (kung bumibili ng multiple products o items)

Ang bawat Shopee Supported Logistics ay mayroong limit sa sukat at timbang ng bawat order o shipment. Kaya maaaring hindi makapag-checkout kung lagpas na sa limit, lalo na kung marami at bulky ang mga items na inoorder sa isang checkout.

 

6. Lumagpas sa product limit ang dami ng produkto (kung bumibili ng multiple products o items)

Maaari ka lamang mag-checkout ng hanggang dalawampung (20) magkaka-ibang produkto sa isang order. Ang seller ay maaaring mag-set ng limitation sa bilang na pwedeng i-checkout ng buyer sa bawat isang order.



Kung mayroon pa ring issue, kontakin lamang ang Shopee Customer Service para sa assistance.

Was this article helpful?
Yes
No