For the English version of this article, click here.
May ilang posibleng dahilan kung bakit nag-log out ang iyong account. Makikita mo ang mga login failed message dahil sa mga sumusunod:
1. Your current session has been terminated due to long-time inactivity
Ang iyong account ay naging inactive nang matagal. Subukan muling mag-log in at siguraduhin na tama ang username at password.
2. Your account has been logged in on another device
Kung ikaw ay nag-login sa ibang phone o device, ang iyong account ay automatic na mala-logout sa naunang device. Siguraduhing gamitin ang registered device.
3. You have been logged out due to unusual activities
Kapag gumamit GPS Spoofing Apps o ibang tools para baguhin ang iyong location, ito ay magti-trigger para automatic na ma-log out ang iyong account. Ito ay makaka-apekto rin sa mga order acceptance at maaaring ma-restrict ang iyong account.
⚠️ Tandaan Wag gumamit ng GPS spoofing apps o devices. |
Kung ikaw ay naka-experience ng problema, kontakin lamang ang Driver Support via Live Chat o Help Center.