For the English version of this article, click here.
Sa Instant PH, ang riders ang puso ng bawat delivery. Malaki ang epekto ng mga ginagawa ninyo sa customers, partners, at sa komunidad. Ang Driver Guideline na ito ay magtataguyod ng professionalism, safety, at compliance sa bawat delivery.
Rider-Seller Interaction Guidelines
Ipaalam ang pagdating
Agad na kontakin ang seller; subukang tumawag o mag-message hanggang 3 beses sa loob ng 10 minuto at mag-save ng proof.
Panatilihin ang pagiging propesyonal
Makipag-usap nang maayos at may respeto.
Suriin ang mga items
I-check ang order details at kumpletuhin ang documentation.
Ihanda ang mga gamit
Dalhin ang lahat ng kailangang tools at supplies.
Ingatan ang mga item
Siguraduhing maayos ang pagkaka-secure ng items; huwag buksan o sirain ang mga ito.
Magtanong kung kinakailangan
Linawin muna ang anumang tanong sa seller bago umalis.
Ipaalam kung kumpleto na
I-notify ang seller kapag tapos na ang pickup.
Rider-Buyer Interaction Guidelines
Makipag-ugnayan nang maayos
Kontakin agad ang buyer; subukang makipag-ugnayan hanggang 3 beses gamit ang chat, SMS, o tawag sa loob ng 10 minuto, at mag-save ng proof.
Panatilihin ang pagiging propesyonal
Makipag-communicate nang may respeto at maayos.
Tiyakin ang mga delivery details
Siguraduhing tugma ang item, dami nito, at specifications sa order.
Ingatan ang mga item
I-deliver nang maayos at panatilihing nasa tamang kondisyon ang items.
Sumunod sa mga delivery instructions
Sundin ang anumang directions na ibinigay ng buyer.
Patunayan na nagawa na ang delivery
Kunin ang acknowledgment ng buyer at i-record ang proof of delivery.
Maging magalang sa pagsagot
I-handle ang mga tanong ng buyer nang propesyonal; i-report ang mga concern na hindi naresolba.
Protect Privacy
Mandatory ang pagrespeto sa privacy.
Panatilihing confidential ang lahat ng personal na impormasyon.
Iwasan ang pag-share o pag-publish ng anumang impormasyon sa labas ng saklaw ng deliveries.
Gamitin lamang ang customer information para magawa ang deliveries.
Huwag kailanman i-share ang iyong account o credentials sa iba.
Be Accountable and Adaptive
Mahalaga ang responsibility at responsiveness para sa ligtas at maaasahang operations.
Agad na makipag-ugnayan tungkol sa mga delay, issue, o insidente.
Manatiling updated sa pamamagitan ng panonood ng training videos, pagbabasa ng articles at guidelines, at pagsunod sa mga platform updates.
Tanggapin ang feedback nang bukas at gamitin ito para tuloy-tuloy na mapabuti ang performance.
⚠️ Tandaan Ang hindi pagsunod sa mga guidelines na ito ay maaaring magresulta sa account restrictions, suspension, o legal action alinsunod sa umiiral na batas at platform policies. |