Hi, how can we help?

[Instant Delivery] How do I accept orders? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 


PARA SA SINGLE ORDER

Kunin ang isang order mula sa isang seller at i-deliver ito sa isang buyer. May 15 seconds ka para i-accept ang order. Pagdating sa lokasyon ng seller, piliin ang At Pick-up Point.

Pagkatapos matanggap ang order, tingnan ang mga detalye nito sa ilalim ng Order Listings at piliin ang Confirm Pick Up para magpatuloy.


I-scan ang parcel barcode (o i-enter ito manually), pagkatapos kumuha ng larawan at i-upload ang mga detalye sa pamamagitan ng pagpili ng Upload Proof of Pick Up.


I-scan muli ang parcel bago i-upload ang Proof of Delivery. I-verify ang receiver at mga detalye ng order, pagkatapos piliin ang Confirm Delivery bago ito ibigay sa buyer.




⚠️ Tandaan

·

Ituro kung ang order ay natanggap ng customer o ng kanilang authorized representative bago piliin ang Upload Proof of Delivery.

·

Kung hindi maabot ang buyer, tumawag hanggang tatlong (3) beses at magpadala ng hanggang tatlong (3) chat o SMS messages sa loob ng 10 minuto.



PARA SA GROUP ORDER

Kunin ang multiple orders, mula sa isang seller o sa iba’t ibang sellers, at i-deliver ito sa mga buyers na malapit sa isa’t isa. Katulad ng Single Order, may 15 seconds din sa Group Order para i-accept ang order. Pagdating sa lokasyon ng seller, piliin ang At Pick-up Point.


Para sa Group Orders, i-upload ang bawat parcel kasama ang tamang detalye ng order. I-scan ang bawat parcel upang matiyak na tama ang impormasyon.



Pagkatapos i-deliver ang unang item sa Group Order, hindi agad lalabas ang kita. Ipapakita lamang ito pagkatapos makumpleto ang lahat ng orders.


I-scan ang parcel bago i-upload ang Proof of Delivery. Para sa Group Orders, siguraduhing bawat parcel ay na-upload sa ilalim ng tamang detalye ng order.



⚠️ Tandaan

·

Ang Group Orders ay binubuo ng dalawa o higit pang orders.

·

Laging sundin ang tamang dispatch at delivery sequence upang maiwasan ang mga pagkakamali.



PARA SA STACK ORDERS

Habang tinatapos ang isang aktibong delivery, maaaring makatanggap ng bagong incoming order. Pinapayagan ka nitong i-accept at i-deliver ang karagdagang orders habang nasa ruta. Siguraduhing sundin ang tamang sequence at tiyakin na tama at wasto ang lahat ng detalye ng order. 



⚠️ Tandaan

·

Ang mga hakbang sa Stack Order ay pareho sa Single at Group Orders.

·

Makakatanggap ka ng notification ng iyong kita kapag nakumpleto na ang lahat ng deliveries.

·

Nagaganap ang Stack Order kapag may aktibong deliveries ang rider at nakatanggap ng karagdagang incoming orders.


Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied