For the English version of this article, click here.
Kung ang order status ay Delivered, ngunit hindi mo pa ito nare-receive, ito ang mga maari mong gawin:
Sa mga kasama sa bahay, mga gwardiya, receptionists, o lobby personnel na maaaring nag-receive ng iyong order para sa’yo.
Maaring direktang magtanong sa mga logistics partner kung nasaan na ang iyong parcel. Kung ito naman ay idineliver ng sariling delivery fleet ng Seller, direktang makipag-ugnayan sa Seller gamit ang Shopee Chat.
Kung nagtext o tumawag sa’yo ang Third-Party Logistics (3PL) Rider, pwede mo silang kontakin tungkol sa iyong parcel. Maaari kasi na nagkaroon ng pagkakamali sa tagging ng mga order.
3. I-check ang iyong delivery address
Tiyakin na ang iyong delivery address ay tama. Sa order details page, makikita mo ang iyong delivery address.
Pumunta sa Return/Refund para sa order > Piliin ang product(s) na hindi natanggap > Next > Piliin ang Did Not Receive Some/All of the Items > Piliin ang Parcel not delivered > Next > I-review ang proof of delivery. Kung hindi pamilyar, piliin ang Continue with Request > ibigay ang required evidence at description > i-review o i-edit ang contact email mo > Submit.
⚠️ Tandaan • Hindi na kailangang mag-submit pa ng evidence para sa mga non-receipt cases. • Refund Only ang kusang lalabas bilang Solution. • Ire-review ng Shopee ang case at ipagbibigay-alam sa’yo ang magiging resolution. |